-CHAPTER_26

8 0 0
                                    

Cousin

Hindi na kami bumalik sa Office pag katapos naming mag tungo sa Flammia Kingdom.Sabay kaming nag tungo sa Elevator.Pinindot niya ang floor nang unit namin.

Inilabas ko ang cellphone ko bago ipinlay ang video kanina at ipinakita iyon sa kaniya habang humahalakhak.

Nangunot ang noo niya at aabutin sana ang cellphone ko nang kaagad ko iyong inilayo at mabilis na inilagay sa loob nang bulsa ko.

"Give me your phone,Kalani"

Mariing utos niya.Nag belat ako sa kaniya bago ako humalukipkip at pinagmasdan ang reaksyon niya.

"i said give me your phone"

"oh,e ayoko nga.Idedelete mo lang yun e"

Halakhak ko.Nangunot lalo ang kaniyang noo at maya maya ay napalitan naman iyon nang ngisi.

"i wont do that.I just want to hear your laugh from the video,you seem so happy with me"

Nag kibit balikat ako bago naunang lumabas nang bumukas na ang elevator.

rinig na rinig din kasi sa video ang pigil kong tawa.Pano ko ba naman mapipigilan kung bawat reaksyon niya ay nakakatawa.

"Chikage,pasok nako sa loob"

Sabi ko pag ka lingon ko sa kaniya.Namulsa siya bago lumapit sa akin.

"wait,you enjoy right?"

Tanong niya sa akin.Tumango ako bago iwinagayway sa ere ang cellphone ko.Hindi niya iyon kinuha.Ngumisi lang siya bago ako tinanguan.

"pumasok ka na sa loob"

Sabi niya.

"uhmm,okay.Thankyou"

Pumasok na ako sa loob at kaagad na nag palit nang damit.Muli kong pinanood ang video sa loob nang kwarto ko at tawa naman ako nang tawa.

Mayamaya pa ay kinatok na ako ni Lea.

"Bakit?"

Inosenteng tanong ko.Naka kunot ang noo niya at mukang kagigising lang.Natulog na naman siya.Napaka maantukin niya talaga.

"Ang ingay mo.Nagising tuloy ako.May pag kain na ba tayo?"

Tanong niya.Nag kibit balikat ako.

"Ewan,kakadating ko lang,di naman ako nag luto"

Sabi ko.Sumimangot siya bago hinimas ang tiyan at umalis na nang kwarto.

Nang mag ring ang cellphone ko ay kaagad ko iyon sinagot.Akala ko ay si Trevor iyon ngunit boses ni Chikage ang aking narinig.Nangunot ang noo ko dahil tumawag pa sya e pwede naman syang kumatok na lang dito.

"hello"

"Hello?bakit,Chikage?"

Simpleng tanong ko.

"Youre still laughing at the video"

He conclude.Kaagad na nangunot ang noo ko.Pano niya nalaman?Hula niya lang ba yon o narinig niya ang tawa ko hanggang sa unit niya.Hindi naman ganun kalakas ang tawa ko a.

"Oh ano naman?Nakakatawa lang talaga reaksyon mo dito e"

Ngumisi ako.Humaba nang humaba ang usapan namin hangang sa mamalayan ko nalang na higit isang oras na pala kami nag uusap.

Madami syang topic.Kahit na parang tinatamad sumagot ang bosea niya ay napahaba niya ang pag uusap namin.Ako naman ang nag paalam dahil naka ramdam na kaagad ako nang antok.

He Love My BloodOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz