-CHAPTER_29

5 0 0
                                    

Kiss

Hindi din nag tagal sa bahay si Chikage.Pag katapos naming kumain ay umalis na din siya.Hindi ko ba alam.Parang dumayo lang sya nang kain sa bahay ko.

Kausap ko si Trevor habang nasa loob ako nang sasakyan at nag mamaneho patungo sa building. Kinamusta niya lang ako at ganun din ako sa kaniya.Nag paalam din siya kaagad dahil nag mamaneho daw ako at baka may masama pang mangyari.

Binuksan ko ang pinto at lumabas ako nang sasakyan nang naka lagay sa loob nang puting coat ang aking dalawang kamay.Binati ko ang ilan sa kilala kong empleyado habang patungo ako sa loob nang elevator.

"Kalani"

Nahihiyang tawag sa akin ni Lani.Tiningnan ko siya at nginitian.

"Lani"

Bati ko sa kaniya.Dumako ang aking tingin sa kamay niyang may hawak na kung ano.Umangat iyon at itinapat sa akin.

"p-pakibigay naman kay mr.Fin"

"ah?sure"

Sagot ko nalang bago kinuha ang chocolates na galing pa atang ibang bansa.May note na naka kapit duon pero syempre hindi ko yun binuksan.Hindi naman ako ganun ka pakealamera.

Pag ka bukas nang elevator ay nauna na akong lumabas.Nag lakad ako papunta sa office ni Chikage.Pag bukas ko nang pinto ay nagulat ako dahil nakita kong naka talikod si Chikage at walang damit pang itaas.

Bago pa ako maka pag takip nang mata ay humarap na siya sa akin at nakita kong umawang ang kaniyang bibig.Mas lalong nan laki ang mga mata ko nang makita ang abs niya.Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong chocolates dahil sa pag ka bigla.

Oh lord?bakit ba naman 8 packs?oh mi god baby Trevor,hindi ko naman sinasadya na puriin ang katawan niya.Aksidente lang to Trevor,baby.

Tumikhim ang walang emosyon na si Chikage bago inabot ang puti niyang polo.Bago niya iyon maisuot ay nakita ko sa tagiliran niya na may bendang naka lagay dito ngunit may tagos naman nang dugo.

"Naku!m-may dugo Chikage!"

Sabi ko sabay turo sa dumudugo niyang tagiliran.Kaagad akong lumapit patungo sa kaniya.Nasa dalawang braso palang niya ang puting polo at hindi pa naiisuot.Kung isusuot niya iyon ay baka tumagos dun ang dugo.Puti pa naman.

Bakit yun dumudugo?may sugat ba sya?san naman niya iyon nakuha?

"its alright"

Sabi niya.Itutuloy na sana niya ang pag suot sa polo nang pigilan ko sya.Wala na akong pakealam sa abs nya.Wala akong pakealam kung nakakailang tingnan ang posisyon naming dalawa dahil topless siya.

"h-hubadin mo na yan.uh nasan ba ang medicine kit?"

Nilubayan ko sya at hinanap ang medicine kit bago dinala sa may sofa.Muli ko syang nilapitan.Ngayon ay wala na ulit sa braso niya ang kaniyang damit.

"d-dun ka ser"

Naka tungong sabi ko habang itinuturo ang sofa.Naramdaman kong nag lakad siya patungo duon.Halos mapa singhap ako nang maamoy ang pamilyar niyang amoy nang lag pqsan niya ako.

Sumunod ako sa kaniya at inihanda ang mga panggamot.

Lumuhod na ako sa may tapat niya para mabilis kong magagamot ang sugat niya sa tagiliran habang siya ay naka upo.Hindi ko siya tinitingala ngunit alam kong naka tingin siya sa akin.Narinig ko pa ang malalim niyang pag hinga nang tanggalin ko ang benda sa tagiliran niya.Pag ka alis ko nuon ay nakita ko ang malaki niyang sugat.Dumudugo pa nga iyon.

He Love My BloodOnde as histórias ganham vida. Descobre agora