-CHAPTER_28

7 0 0
                                    

Date

Maraming pamilyar na bagay ang nakita ko sa buong bahay.Kinabukasan ay lumipat na din kami ni Lea dito.

"Laki naman,dalawa lang naman tayo dito"

Namamanghang sabi ni Lea habang iginagala ang kaniyang tingin pag kapasok pa lang namin.

Nag kibit balikat lang ako bago itinuro ang pinto nang kwarto ni Kuya.

"Dun ka sa kwarto ni Kuya,linisin mo nalang"

Nilingon nya ako bago nginisian.

"Talaga?sana naman mag pakita sakin yung kuya mo mamayang gabi no"

Hlakhak niya.Ngumisi ako at umiling iling.

"Gaga"

Sabi ko.Dinala niya ang kaniyang mga gamit sa kwarto ni Kuya at ganun din naman ako sa kwarto ko.

"Yah!"

Buga ko nang hangin bago ako nahiga sa kama ko.Napa ubo na lang ako at kaagad na napa bangon nang malanghap ang gabok nito.

Kaagad akong kumuha nang mga pang linis at dinala iyon sa kwarto ko.Wala akong trabaho ngayon kay Chikage,sakto lang dahil marami akong gagawin ngayong araw.

"Kalani,kumain muna tayo bago mag linis.Nagugutom nako"

Biglang sulpot ni Lea.

"ha?naku,mag gogrocery muna ako.Wala nga palang stock sa ref"

Sabi ko.Napa nguso naman siya bago tumango at umalis na.Kaagad kong pinagpagan at inayos ang sarili ko bago ko kinuha ang wallet ko at lumabas na ako nang bahay.

Tinawagan ko si Trevor kagabi gamit ang bagong bili kong cellphone at sinabi na lilipat na kami dito.Tuwang tuwa naman siya dahil dito na din daw sya didiretso kapag pumunta sya dito sa manila para makipag meeting sa company.

Kaagad akong sumakay sa sasakyan na naiwang pag aari pala ni Kuya.Ibinigay sa akin ni Traiah ang susi kahapon.Marami din pala kaming ariarian na naiwan dito gaya na nga nang apat na sasakyan.Tatlo pala dito ang kay kuya at isa ang kay mommy,hati na sila Ni Dad.

Nakita ko din sa Closet ni mommy ang ilang accessories niya na halatang original.

Kaagad kong pinaharurot ang sasakyan patungo sa pinaka malapit na market dito.

Kumuha ako nang push cart at ipinag lalagay dun lahat nang mga pag kain na matitipuhan ko.

Pag katapos kong ilagay sa cart lahat nang mga kakailanganin ko ay dumiretso na ako sa counter at mag babayad na sana nang may kamay na sumingit mula sa likod ko at ilapit sa babaeng cashier ang pera.

Nangunot ang noo ko bago nilingon si Chikage.Nagulat pa ako dahil wala naman siyang dalang pinamili kaya bakit siya nag bayad?

"Now,you're paid"

Sabi niya bago umalis sa pila at nag tungo sa tabi ko.Pilit akong ngumiti bilang pag galang dahil siya ang boss ko kahit na ang totoo ay naiinis ako at nayayabangan sa kaniya.Bakit niya naman ako pinag bayad?akala ba niya slapsoil ako?

"Ser,kaw pala yan,may pera ho ako"

Sabi ko sabay irap bago kaagad bumaling sa cashier na namumula ang pisngi habang isinusupot ang mga pinamili ko.Nangunot ang noo ko dahil kada supot niya ay sumusulyap siya kay Chikage kaya naman hindi siya madali.

"i already paid you"

Mariin na sabi ni Chikage nang mag aabot sana ako nang bayad sa cashier.Pake ko ba sa pera niya.E baka kapag katapos nito isipin niyang sabik ako sa pera.

He Love My BloodWhere stories live. Discover now