KABANATA 6

66.7K 2.1K 177
                                    

It's already past 6pm when I got home. Panay ang kabog ng aking dibdib habang papasok ako ng bahay, kung anu-anong scenario'ng pumapasok sa isip ko.

Will he kill me silently?

Isip ko nang tahimik na pamamahay ang bumungad sa akin. I roamed my eyes in every corners of the house pero walang Bjorn akong nakita.

Nanghihina akong umupo sa sofa ng salas saka hinanap ang aking cellphone. Eksakto namang tumunog iyon ng dalawang beses senyales ng panibagong mensaheng pumasok.

Unang bumungad sa akin ang message ng asawa ni Ayesha.

She's fine. She'll get discharge tomorrow.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil roon. Halos atakihin ako ng nerbyos kanina nang balitaan nila ako na isinugod sa ospital ang aking kaibigan dahil nawalan ito ng malay pagkatapos ng insidenteng naganap roon. Sunod kong tiningnan ang isang mensahe, halos namamawis ang kamay ko sa kaba nang pindutin ko iyon.

Prepare a dress tomorrow. We'll go to my parents house when I got home.

It's Bjorn who texted it. Malamang ay nasa isang business trip siya, ganun naman parati kapag hindi siya nakakauwi.

My forehead knotted as my mind goes in blank.

He's not mad?

Dapat ay kagabi palang puros mura at pagbabanta na ang natanggap ko sa kanya. Nakakapanibagong wala akong natatanggap na masasamang salita buhat sa kanya.

Is this a sign?

Nagbabago na ba ang asawa ko?

Gusto ko mang paniwalain ang sarili ko ay alam kong imposible iyon. Hindi naman basta-basta nagbabago ang isang tao lalo na at wala namang kaganapang nangyayari sa pag-itan namin. Lalong hindi talaga kapanipaniwala ang iniisip kong ilusyon dahil ang huli naming tagpo ay noong sinampal niya ako dahil hindi ko siya napagbigyan.

Lord? Are you starting your moves to set me free?

Ano man ang nangyayari ay ipinagkibit-balikat ko na lamang. Ang mahalaga ay buhay pa ako ngayon kahit pa natulog ako sa ibang tirahan ng lalaki.

Dumaretyo na ako sa aking silid at nahiga kahit pa walang inilalaman sa aking tiyan. Sa pagtama ng aking katawan sa malambot na kama ay tila naupos lahat ng lakas ko. Unti-unti ay naramdaman ko ang pagod, pagod sa pagpupumilit maging ayos, pagod sa pag-iisip sa iba at pagod sa pagkimkim ng takot buong maghapon.

Now, I can rest..




Kinaumagahan ay maaga akong nag-ayos ng aking sarili at pumunta sa trabaho--ang tagapag tingin ng anak ni Cassandra habang wala ito.

Madaling alagaan ang anak ni Cassandra, sa murang edad ay matalino si Adrian ganun narin si Daeshaia kaya naman hindi ako sobrang nahirapan sa kanila.

Pagsapit ng patanghali ay namaalam ako kay tita ng maagang pag-alis dahil sa plano kong pagbisita kay Ayesha. Bukod roon ay naalala ko ang bilin ni Bjorn na maghanda ng aking susuotin pagbalik niya. Agad naman akong pinayagan ni Tita ng walang pagdadalawang isip.

I took a cab and get to Ayesha's home. Humingi ako ng pasensya sa kanya dahil hindi ko agad siya napuntahan, naiintindihan niya naman iyon kaya hindi na namin pinag-usapan pa. Nagkwentuhan nalang kami ng tungkol sa mga pangyayari sa America na hindi niya alam at iyon ay ang tungkol sa pagiging informed ni Andrei sa kaibigan namin.

Sinabihan niya akong traydor na ikinatawa ko na lamang. Kung tutuusin ay totoo naman talaga iyon dahil kahit saan daanin ay pinanigan ko si Andrei. Something in his eyes made me feel his love for Cassandra kaya naman pinili kong manahimik sa mga aksyong ginagawa niya para sa aking kaibigan. After all, what he's doing is for good.

F R E E D (MarriageSeries#3) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon