KABANATA 11

64.4K 2.1K 509
                                    

Sinong mag-aakala na ang isang nurse na tulad ko ay mauuwing tagapag-alaga ng isang kuting?

Tamad kong isinandal ang aking sarili sa sofa habang nanunuod ng palabas sa telebisyon. Nasa ibabaw naman ng aking hita si Serefina at mahimbing na natutulog.

Napangiti nalang ako at marahan siyang hinaplos.

"Baby let's eat!" Xenoah yelled in the kitchen.

It's already lunch time.

Matik na umikot ang mata ko sa kakulitan niya. Isang linggo na ang nakakalipas buhat nang tanggapin ko ang trabahong alok niya at isang linggo narin na puros pagmumukha niya ang nakikita ko mula umaga hanggang hapon.

Nakakapagtaka rin na mukhang isang linggo naring naliligaw si Manong Ramir sa pagsunod sa akin. Well, I think my luck has been starting.

Maingat kong inialis at ipinatong sa sofa ang kuting bago ako tumayo at nagtungo sa kusina.

True to his words, siya ang nagsisilbi sa akin sa halip na ako. Siya ang nagluluto ng pagkain at madalas ay linis narin ang bahay sa tuwing dumadating ako sa umaga.

Nakangiti niya akong sinalubong at pinag-isod ng upuan bago nagtungo sa kanyang pwesto.

Tinarayan ko naman siya ng tingin bago naupo sa upuang iniisod niya.

Kunwari gentleman manyak naman.

"Wala ka bang trabaho at isang linggo kanang nandito?" nakaangat kilay kong tanong habang kinukuha ang mga kubyertos.

"I'm working on my laptop baby" he stated.

Napangiwi naman ako at sumandok ng kanin at pork sinigang na luto niya. Usually siya ang gumagawa non pero inunahan ko na.

Mamaya magpalpitate na naman puso ko. Tsk!

"Kakasya ba yang pagtatrabaho mo doon para pasahurin ako ng dalawang daang libo buwan buwan?" may halong sarkastiko kong sabi.

Mahina naman siyang napatawa bago sumandal sa kanyang upuan at saka ako tiningnan. He crossed his arms and licked his lower lip.

Bigla ay tila nanuyo ang aking lalamunan dahil sa ginawa niya.

Napakalaki niya talagang tukso.

"Kung gusto mo ay lahat ng kayamanan ko ay ibigay ko pa sa iyo Azaia" seryoso ngunit may halong mapaglaro niyang sambit.

My brows furrowed as I ate my first scoop.

"How?" I simply said and continue chewing.

Kunyari ay may interes talaga ako sa kalokohan niya.

"Marry me and I'll turn all my properties to your name" nakangiti niyang sabi pero ang mata niya ay nanatiling seryoso.

Napaubo naman ako bigla dahil sa pagbara ng pagkain sa aking lalamunan kaya agad kong kinuha ang tubig at diniretyong inom iyon.

Mamamatay ako ng madali dahil sa unggoy na ito!

I tried to compose myself kahit pa sobra akong natameme sa sinabi niya. Sanay na akong bumabanat siya pero yung ganitong banat niya ang talagang hindi ko kayang iproseso.

"Are you proposing?" mataray kong sabi at sinubukang ipagpatuloy ang pagkain upang hindi niya mahalatang naapektuhan ako.

"If I am? Will you accept my proposal?" he fired back at itinuko ang isang kamay sa lamesa bago ipinatong ang kanyang baba.

Umismid naman ako at saka ginaya ang kanyang pwesto.

"Marami ba yang properties mo?" nakangiti kong pagsakay sa kanyang kagaguhan.

F R E E D (MarriageSeries#3) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon