KABANATA 10

68.7K 2.1K 610
                                    

"Natatanga kana ba?" asar na wika ko sa kanya.

Napanguso naman siya at kinuha mula sa akin ang kanyang pusa.

"Alam mo kayong magkakaibigan ang dumi-dumi ng bibig niyo." he stated.

I rolled my eyes and crossed my arms. Pilit na iniiwas ang aking paningin sa hubad niyang katawan.

"Dapat talaga nililinis yan" pailing-iling niya pang bulong habang nakatingin at hinihimas ang kanyang kuting.

"Meow" tila pagsang-ayon ng pusa sa kanyang sinabi.

"Sinong hindi dudumi ang bibig kapag kaharap ka? Nurse ako ng mga buntis Xenoah, exception nalang talaga ang pag-aalaga ng mga bata dahil kaya ko namang gampanan iyon. But this, the eff! I.AM.NOT.A.FVCKIN.VETERINARIAN" pagdidiinan ko rito.

"But she's a baby! Our baby!" he quickly fired back that made my jaw drop.

"Sabihin mo nga sakin, may sapak ka ba?" asar kong tanong rito.

"Damn it! I also don't know why am I doing this shit. Can't you just take care of her? Mas madali naman siyang alagaan kumpara sa bata diba? Besides you'll benefit for this." he stated.

Mariin nalang akong napapikit at pilit kinalma ng aking sarili.

Chill Azaia. Chill.

I'm in the middle of calming myself when a soft thing suddenly snaked around my feet again.

Tiningnan ko iyon at napawing bigla ang aking isipin nang mapakatitigan ang kuting na naglalambing sa paanan ko.

I let out a deep breath bago yumuko at pinulot ito.

200k Azaia. 200k for Rafael's future.

"Okay. I'll take care of her." pagdedesisyon ko.

Agad na sumilay ang kanyang ngiti.

"So let's talk about the agreement?" nakangiti niyang usal saka inimwestra ang kanyang kamay patungo sa sofa ng salas.

Sininghalan ko siya at saka naunang naglakad patungo roon. Agad akong umupo sa 4seater sofa at inilagay sa aking kandungan si Serefina.

Umupo naman si Xenoah sa nakahiwalay na one seater sofa sa gilid at ipinandekwartro ang kanyang hita.

Arte.

"Talk" simpleng utos ko.

"Isa lang naman ang gusto ko, bawal kang umayaw sa trabaho na ito." nakangiti nyang sabi.

"Unfair iyon Mr.Manzato" I commented and rolled my eyes after.

"Okay. Ibahin natin, for the whole year bawal kang umayaw. Sabihin nalang natin na nakakontrata ka ng isang taon para alagaan si Serefina." pagbabago niya sa naunang sinabi.

Palihim nalang akong natawa sa aking isip.

Para sa isang pusa kailangan nakakontrata pa.

Nagpakawala nalang ako ng hininga at sumandal sa sofa ng hindi inaalis ang tingin ko sa kanyang mata.

Wag kang bababa ng tingin Azaia.

"Gusto ko lang linawin Mr.Manzato. Hindi ka kasama sa aalagaan ko hindi ba?" pormal kong tanong sa kanya.

Isang bagay lang naman ang dahilan ng pagdadalawang isip ko. Iyon ay ang makasama siya.

Pakiramdam ko ay hihimatayin ako sa lakas ng kabog ng aking dibdib sa tuwing malapit ang presensya niya sa akin.

He licked his lower lip and flashed a smirk.

"Yes baby, you'll only take care of Serefina.." patango-tango niyang sagot pagkatapos ay tumayo siya at naglakad patungo sa akin.

F R E E D (MarriageSeries#3) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon