KABANATA 23

64.5K 2K 132
                                    

"What the fvck?!" I hissed when I tried to see for myself what's happening in the social media.

"I told you not to open it" maktol na usal ni Xenoah saka kinuha ang cellphone ko.

Kasalukuyan kami ngayong nasa salas at nagmomovie marathon upang magpaantok. Tulog na ang anak ko sa hita ni Xenoah habang nasa hita ko naman si Serefina.

"Xenoah" seryosong pagtawag ko sa kanya.

Malamig naman niya akong tiningnan.

"You promised Azaia" pagpaalala niya sa akin.

"But your license is at stake!" mahinang sigaw ko.

"I don't care Azaia. I don't care." matigas niyang sambit.

Mariin akong napapikit at napabuga ng malalim na hininga. I felt him hold my hand and buried his face on my back shoulder.

"You promised baby" paos niyang wika kulang nalang ay magmakaawa.

I opened my eyes and face him.

"I won't leave you like what you're thinking Xenoah but I think we need space, hindi pwedeng nandito kami ni Rafael. Bjorn may used it on the court, worst part baka gawin niya ang lahat matanggalan ka ng lisensya bilang abogado. Kaya kong tanggapin ang lahat Xenoah pero ang hayaang mawala ang lahat ng pinaghirapan mo that's a big no for me. " pagpapaliwanag ko rito.

Mabilis naman siyang umiling at mahigpit akong niyakap.

"Mamamatay ako baby" he mumbled.

Agad?!

"We can still communicate through phone Xen" mahinahon kong sabi.

"I can win the case and have my license intact without you leaving in my house baby." he stated.

"I trust you for that Xenoah pero hindi pwedeng hindi tayo mag-iingat. Isang butas lang tatagilid tayo." I reasoned out.

Hindi naman siya umimik pa bagkus ay mas hinigpitan niya lang ang yakap sa akin na tila pinaparamdam niya talaga na hindi niya kaya na magkalayo kaming dalawa.

"Just for a month Xenoah. Please." mahinang sabi ko.

He still didn't speak.

I let out a deep sighed and disentangle his hug. Nakayuko naman siya ng hinarap ko ito kaya naman hinawakan ko ang kanyang baba at itiningala paharap sa mukha ko.

I gently touched his face and kissed his forehead, bagay na madalas niyang ginagawa sa akin.

I straightly looked at him and gave him an assuring smile.

"After the case, when I am finally free. Marry me when you still want to." I seriously mumbled while looking in his hazel brown eyes.

Kita ko ang unti-unting panlalaki ng mata niya kasabay ng pag-awang ng kanyang bibig.

Ilang beses pa siyang kumurap at napalunok.

Napangiti nalang ako sa aking isip.

Now he's the one speechless at my lines.

"Isang buwan lang Azaia." pagsuko niya nang makabawi sa gulat.

Tumango nalang naman ako bilang tugon.

He took a deep breath and glance at me.

"Sa condo ko kayo tutuloy. I'll provide security for you and Rafael." pinalidad niyang ani.

Napangiwi naman ako at marahang umiling.

"Hindi ba at sabi mo ay naroon sila? Kung makikita nila ako sa unit mo ay lalo lamang titindi ang hinala nila sa atin." I stated.

F R E E D (MarriageSeries#3) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon