KABANATA 21

64.7K 2.3K 520
                                    

"Goodmorning Mommy" munting tinig na gumising sa akin habang pinupupog ng halik ang aking mukha.

"Hmm. Goodmorning baby" pikit mata kong tugon.

"Goodmorning too" ani ng isang baritonong boses.

Dun ko palang nagawa na imulat ang mga mata ko. Parehong nakamasid sa akin si Xenoah at Rafael. Ngumiti si Xenoah nang magtama ang paningin namin habang mahinang tumatawa naman si Rafael.

"Bangon na Mommy. Daddy cooked for us." masiglang sabi ng anak ko habang mahinang lumulundag sa kama.

Palagi naman anak..

Natawa nalang ako bago bumangon.

"Okay okay. Maglilinis lang si Mommy ng mukha mauna na kayo ni Dad..." natigilan ako at napatingin kay Xenoah.

A smirked plastered on his face.

"dy sa baba" pagtuloy ko sa aking sinasabi na ikinangiti ng ulupong.

I rolled my eyes at him and stand up from the bed.

Tatalon-talon namang bumaba sa kama ko si Rafael bago inihawak ang munti nitong kamay kay Xenoah. Nakangiti namang ginulo ni Xenoah ang buhok niya.

"Lets go. Papaganda pa si Mommy" natatawang usal niya.

"Xenoah!" I hissed.

"What?" maang na tanong niya.

"Kung anong kalokohan ang tinuturo mo sa anak ko" wika ko at inirapan siya.

"Anak natin Azaia" he corrected.

Tila nasamid naman ako sa sariling laway matapos nun. Napaiwas ako ng tingin kasabay ng pag-iinit ng aking mukha.

"See anak. Ang ganda ni Mommy kahit hindi pa nakakahilamos diba?" tanong niya sa bata, bakas ang pang uuya sa tono nito.

"Yes, Mommy is beautiful po Daddy" sagot sa kanya ni Rafael.

Unconsciously, I looked at them again.

Napangiti nalang ako sa aking isip habang nakikita silang umaakto na tila tunay na mag-ama.

Kinarga ni Xenoah bago tumingin sa akin.

"Baba na kami Mommy" nakangiting usal niya.

Gustong gusto ng haliparot na ito ang pagbabahay-bahayan na nangyayari letche.





I did my routine and got down after. Nadatnan ko naman silang nagkukulitan habang nakakandong si Rafael kay Xenoah habang paikot-ikot naman sa ilalim ng lamesa si Serefina.

"Nandyan na si Mommy" masayang sabi ni Rafael.

Ngumiti nalang ako saka naupo sa kaharapang silya.

Napaawang naman ang bibig ko nang makita ang mga nakahaing pagkain sa mesa.

Hipon.

Alimasag.

Isda.

Tahong.

"Ano't puro seafood ito?" nakangiwi kong tanong.

"Post celebration ng monthsary natin" nakangiting sagot sa akin ni Xenoah.

I was caught off guard kaya naman kita nya ang pamumula ng mukha ko.

He chuckled and reached my nose to pinch.

Palagi nalang akong nahuhuli ng mga banat niya. Tsk.

I coughed a little and spooned them food.

"Gusto ko nung tahong" pagrequest ni Xenoah.

F R E E D (MarriageSeries#3) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon