KABANATA 16

66.4K 2K 433
                                    

"Ehh??" nakangiwi kong ani nang bumukas ang bahay ni Xenoah.

Ano't puro nagkalat na petal ng rosas ang nasa paligid?

Nagsimulang tumugtog ang isang musika nang maglakad ako papasok. Doon ko unti-unting napagtanto ang nangyayari.

Mula sa itaas ng hagdan ay marahan siyang naglakad pababa kasabay ng tumutugtog na melody.

He gave me a smile na ikinailing ko nalang at palihim na ikinangiti.

"May I dance with the most beautiful woman in the world?" usal niya ng makarating sa harapan ko kasabay ng paglahad nya ng kanyang kamay.

Pinaikutan ko naman siya ng mata bago iniiabot ang aking kamay sa kanya.

"Aga ng diskarte boss" udyo ko rito nang ilapit niya ang katawan ko sa kanya.

He hold me on my waist and started swaying our bodies in the same time.

"Ganun talaga madam nagpapalakas eh" he answered back na pareho nalang naming itinawa.

Hinawakan niya ang aking mukha at marahan iyong hinaplos habang nanatili ang paggalaw namin.

"You are worthy Azaia" he said with full emotion.

Isinandal ko nalang ang aking ulo sa kanyang balikat upang maitago ang nagbabadya kong luha.

Kagabi lang ay isang napakawalang kwentang nilalang ang tingin ko sa aking sarili pero heto siya at tila isinasampal sa akin ang katotohanan.

I felt him caressing my hair and kissed it when the music stops.

Ang kaninang kamay niyang nakahawak sa aking bewang ay ngayo'y nakayakap na.

"Kain na tayo baby" he whispered.

I composed myself and looked at him. I gave him a smile before nodding.

Hinalikan niya muna ako sa aking noo bago pinakawalan at saka hinawakan ang aking kamay bago ako marahang hinila patungong kusina.

Wala akong masabi sa ganda ng presentation niya sa mga pagkain na nakahain sa mesa.

Simpleng mga putahe lang ang mga nakahain ngunit ang talagang nakakuha ng aking loob ay ang kumpol ng rosas na nasa gitna, tingin ko ay nasa dalawang dosena ang bouquet na iyon.

Kinuha iyon ni Xenoah at saka ibinigay sa akin na agad kong inabot at inamoy.

Napakabango..

"Salamat" nakangiting usal ko sa kanya.

Simple lang siyang tumango at saka ako pinag-ipod ng silyang mauupuan.

Masaya kaming kumain. Puno ng tawanan at kwentuhan ang hapag kahit pa dalawa lamang kami--tatlo kung idadagdag ang malambing na kuting na pauli-uli sa mga paa namin.


"Tara na" masayang yaya niya sa akin nang matapos sa paghuhugas ng aming pinagkainan.

"How about the flowers?" tanong ko rito at bahagyang nalungkot sa dahilang hindi ko iyon pwedeng dalhin mamaya pag-uwi.

He pinched my nose and smile afterwards.

"You can leave it on your room" sagot niya.

My room..

Awtomatiko ko namang ipinulupot ang aking kamay sa kanyang braso.

"Yeah right, I almost forgot may kwarto nga pala ako dito." masayang pagsakay ko sa sinabi niya.

He chuckled and shake his head a little.

"Dito muna, ikaw nalang mag-akyat mamaya" sunod na sambit ko.

F R E E D (MarriageSeries#3) -COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon