Chapter 1

73 2 0
                                    

Chapter 1

Katabing nakaupo ni Hugo ang batang babae sa sala, natahan na ngayon pero pansin na umiyak siya dahil sa pamumula ng kanyang ilong.

Nilapag ni Nana lena ang isang basong tubig sa harap. Inabot niya naman ang baso at paisahang ininom ang tubig. Malamang natakot siya sa reaksyon ni daddy kanina.

“So why are you in our house?” sabi ni daddy sa malamig na boses.

“dad”

“dad”

Sabay kaming umapila ni Hugo sa tono ng boses ni daddy.

“Daddy…don’t be too harsh on her. She’s just a child” sabi ko.

I smiled at the girl who innocently looking at me. She’s cute. I want to pinch her chubby cheeks. But I also want to know how did she ended up  in the basement.

“But this child might be a spy, Hebi. Ayokong isugal ulit ang kaligtasan mo. Maaaring isa siya sa mga ispiya ng mga desperadong doctor na’yon.”

“come on dad…ilang taon na din po ang lumipas. They have forgotten us already and how can you suspected this little girl.”

I caught her looking directly at my neck. She saw the marks. Siguro nagtataka siya kung ano itong sa leeg ko.

“baby, bakit napunta ka sa basement ng bahay? Its dark in there, hindi ka ba natakot?”

While Hugo’s busy with his phone, the girl moved closely to him. She must be really scared.

I warily eyed Hugo. Nakuha niya naman ang ibig kong sabihin.

“go tell them Poppy…nag-text na ako sa kuya mo, papunta na siya dito.” Aniya.

Dahil sa sinabi ni Hugo nag-salita na si poppy. Kani-kanina lang takot siya pero pag si Hugo ang nagsasalita agad naman siyang sumusunod. They must be really close. And her name suits her.

“n-nalu…sot po y-yung ball ko sa gate niyo po. Pumasok ako para kunin po but I found nothing. Kaya sinubukan ko na pumunta sa door but it was dark in there. Aalis…nasa po ako but that old man pull me po.”

Tinuro niya si dad na ngayon ay iniiwas ang mata sa kanya.

I sighed. Though I understand how dad’s been protected of me, he shouldn’t have done that to poppy. Ngayon, baka matrauma pa ang bata.

“we’re sorry poppy but don’t worry we’ll get your ball mamaya.  kumain na muna tayong lahat at baka lumamig na ang kanin.” Singit ni mommy.

Pumunta nga kami sa dining area at kumain na.

Nahihiya pang sumubo ng pagkain si poppy kung hindi lang tumatango-tango sa kanya si hugo.

Umiinom ako ng diet soda nang sinabi ng kasambahay na nandyan na ang sundo ni poppy. Kaya mabilis namin tinapos ang pagkain dahil may naghihintay pa sa kanya.

Isang matikas na lalaki ang sumalubong sa amin sa sala. Mukhang galing pa ata sa trabaho dahil nakasuot itong suit at may dala pang briefcase bag.

Hugo and the guy did some weird thing with their hands. It like a bro thing. I’m jealous! We don’t even do that.

I pouted.

Nawala ang ngiti ng sundo ni poppy nang humarap kina mommy at daddy. Pero tumagal ang tingin niya sa akin. I think it’s because of the marks too.
Natauhan lang nang umubong peke si daddy.

“I’m sorry for the inconvenience, Mr. and Mrs. Balanza. Pagsasabihan ko po itong kapatid ko” aniya sa seryosong boses na ngayon.

He has this damp hair that causes to fall some strands on his forehead. Nag-taas lang ako ng kilay. I turned my gaze to poppy who's now hugging his legs.

Nakita kong may ibinigay si dad sa bata. It’s her yellow ball printed with Disney Princesses. Her dress was yellow too. She likes yellow. Or was it just her mom?

“No…It's okay but I guess you know us through Hugo…” mommy said while throwing cold stares to Hugo.

Hugo's unbothered though.

“Yes ma’am. Sige po aalis na kami. Pasensya na po talaga” sabi ng lalaki.

Tango lang ang isinukli nina mommy at daddy sa kanya.

Ihahatid ko sana ang dalawa sa labas pero tinawag na ako ni daddy.
Sinabihan ko na lang si Hugo na samahan hanggang sa gate lang.

Papunta na ako sa kwarto when I saw my parents arguing. I can’t tell what it is but mommy walk out abruptly.
Nang nakalapit ako ki daddy, he grabbed my hands and said something that made my night restless.

“I don’t want to see you near them, Citralia.”

His words to me where vague. Kahit ngayon ko lang nakita ang mag-kapatid mukha namang mababait na tao. I can’t judge them easily when they haven’t done wrong or right to me. Kanina aksidente lang iyon. Hindi malakas na basehan para pagpasiyahan agad kung ano sila. I don’t create people in my mind. I know what’s on dad's mind. He should loosen up. 

It was the rays of sunlight came through the window that woke me. I did my routine in the morning. Facial routine is not my thing because it obviously includes water. It will only burn my face. I can't handle that. I’ve tried it once unconsciously. Pagod ako noong araw na’yon nang malimutan ko na hindi pala ako normal na bata. Ayon pinagalitan ako at nag-stay sa bahay ng dalawang araw si Dr. Clara. Kaya ibang routine ang ginagawa ko tuwing umaga.

Umiling ako sa sarili nang maalala iyon.

I wear a scarf to cover the marks on my neck and a brown oversized cardigan. I also have a diet soda on my hand. Now, I’m ready to go!
Mas mainit, mas madali.

Hindi ko na kailangan mag pahid ng cream o mag dala ng payong at kapote dahil nakikisama naman ang panahon ngayon.

Tinahak ko ang daan papuntang basement. Mas malapit kung doon ako dadaan, may gubat malapit sa’min. Narinig ko lang sa usupan ng kasambahay ang tungkol doon.  I’m curious so I asked hugo to find where it was. He said the shortcut was the basement. And was a deciduous forest.

Its only between us two. Hindi namin sinasabi kina mommy at daddy dahil paniguradong pagagalitan kami.

Nakalayo na ako sa basement. Tunog ng pang-umagang hangin at tuyong dahon lang ang naririnig ko habang naglalakad. To my great satisfaction, I saw the oak tree. My usual spot in the forest.

I sat under the shade of it. Binuksan ko ang dala kong soda at ininom. What a good start in the morning. I feel free when I’m here. Kaya madalas ako dito tuwing umaga.

I was observing my surroundings When I heard gushes of water nearby.

May malapit na ilog nga dito. Pero minsan lang mag-katao roon dahil maliit na ilog lang naman. Madalas puntahan yung malalaki kaya kinabahan ako nang may ibang tao nga malapit dito.

My curiosity was the one that push me to look who was here before me. I walked cautiously near the river and I see no one.

Where are you? Please show up… sunod-sunod na ang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba.

I screamed when someone hold my hand. Dahil sa kaba ko isang sipa ang ginawa ko sa humawak sa’kin. Kasunod noon ang isang malutong na mura mula sa lalaking iniinda ang sakit dahil sa sipa ko.

Some clouds don't rainWhere stories live. Discover now