Chapter 3

65 3 2
                                    

Chapter 3

"You. Ran. Out. Of. Ideas. Hugo stupid." Napapapikit ako sa kada-untog ni Hugo ng kanyang ulo sa puno kahit nakasangga naman ang kamay niya.

Kanina pa kami dito sa gubat. Nasaipan ko pumunta dito para makapag-isip ng maayos. Sinama ko siya dahil alam niya na namaan ang napag-usapan namin ni daddy. Now we're both problematic about it. Walang pumapasok na ideya sa amin.

"Stop that. Sinasaktan mo sarili mo, let's just focus."

Nahiga ako sa mat na dala namin habang nakapatong ang ulo sa braso.

"if Beethoven creates music through pouring an ice water over his head, my way of creating ideas too is to hit my head on this tree." Aniya at pinagpatuloy ang pag-untog.

I laughed at him.

"What do you expect from a musical genius Hugo. Kahit anong gawin mong pag-untog jan wala kang makukuha..." natigilan ako dahil sa naisip.

"Hugo you're a genius!" biglang sabi ko sa kanya.

"I know but this time I feel stupid." He said still disappointed with himself.

"No, You're totally genius brother! Alam nating dalawa na wala tayong makukuhang tiyak na ebidensiya para mapatunayan ki dad na ligtas nga tong lugar nato... so I'll do the other way around. Water is all I need"

"oh no... I know what you're thinking! A-Are you crazy?! Mas lalo mo lang itutulak si dad na padaliin ang pag-alis natin. And y-you can't handle it. I won't let you ate."

I was touched by his remark.

"aw,.. don't worry. Just trust me. My plan will work. Opposite always do well Hugo." I winked at him.

Inirapan niya lang ako pero pumayag din kalaunan. He can't withstand his sister. Of course.

"Are you going to do it n-now? If yes, I'm not ready." I can tell that his nervous about it.

Umiling ako. Kung gagawin ko ngayon hindi iyon makatotohanan.

"Ipalabas muna natin na we are trying to convince him. I'll let a month to pass first before the plan."

He sighed. "okay, just make sure it will work ate."

The next days where all pretension about us convincing dad. His not convince of course, not even a bit. But it's good. Gumagana ang plano. Kailangan lang talaga naming magtiyaga ng ganun ng isang buwan.

Kanina habang nasa movie room kami ni Hugo kinausap siya ni Mom tungkol sa pag kuha ng bagong tutor. Yung tutor niya kase ngayon ay aalis papuntang ibang bansa kaya kailangan ng bago.

Nagpantig ang tenga ko dahil sa pangalang nirekomenda niya ki Mommy.

"You'll regret if you don't hire him Mom. I already saw him teaching...he's good." pagpupumilit niya pa.

"Lumabas ka ng 'di nagpapaalam?!" si mommy. Bumaling ako sa kapatid na hindi makuha ang tamang salita para sa tanong ni mommy. I sneered when he looked at me. Inabala ko na lang ang sarili sa pagkain ng popcorn.

His so fond of that guy. What's with him? And his a tutor. Impressive but no. Accidents pop out when we're together. And he leave me with bad impression that day.

Napasinghap ako nang tinuro ako ni Hugo. I blankly stared at him. Si mommy nakatingin na ng matalim sa akin. Damn hugo!

"I will bet here all my cameras, I swear to God. I don't know how my beloved brother leave without your permission mom." Diniin ko talaga ang pagkakasabi ko ng beloved brother para naman makaramdam siya. Tsk. Dinamay pa ako. That's why we should pick the words when we talk, Mahirap na.

"Nabagot ako dito mommy kaya yun lumabas ako... at...at umalis kayo noon ni daddy! Remember your private meeting with a new investor Mom. Ayon yun kaya hindi ako nakapag-paalam. I'm sorry mom...I won't do it again. Just hire kuya Clave to be my new tutor."

I shake my head for disapproval. Pabalik-balik kaming minatyagan ni mommy.

"if you take that Clave mom, he will only serve as distraction to hugo dahil magkakilala sila. Mas lalong di matututo 'to" I pointed my finger to hugo.

Kanina niya pa pala ginagaya ang sinasabi ko.

"You have a point Hebi but let's give him a chance. After all, siya lang kaibigan nitong si Hugo na matino. At maaaring maging benefit pa ki hugo ang pagiging magkilala nila dahil mas komportable siya sa lalaking iyon."

"Yes! Thanks mommy" pabebe niyang hinagkan si mommy. He mocked me by showing his tongue out. This brat!

"Pumayag ako pero kukunin ko parin ang Ps5 mo. Akala mo hindi ko alam na madalas kang di natutulog dahil sa laruang yan!"

Tinakpan ko ang bibig ko para mapigilang matawa sa sinabi ni mommy. Parang nawalan ng dugo sa mukha si Hugo.

Peke akong umubo at nag-seryoso na. I have to deal with that guy now mom agree with it. Ano kayang nakita nila sa lalaking iyon? Is it his hair? Attitude? No way! Jeez hebi put aside your personal issues. Sa isip kong sabi. I can't help myself now to think ill to that guy.

"and of course brother if I still see an F grade on your test paper. Ako na mismo ang puputol sa sessions niyo niyang si Clave!"

Nagbihis na ako ng pantulog pag-
katapos nang usapang iyon.
Napabuntong-hininga ako. I was lying in bed when a sudden thought came up through my mind. Always the same thought I'm dreaming to be real. Parang gatilyo na bigla na lang nahila.

Simula pagkabata hindi ko naramdaman na kabaling ako, even my family on myside. Yes, I've always been loved by people around me but why do I feel empty for a purpose. My condition deprived me from being the one I wanted to be. Can't I play to the rain? I'm already 20 but rain still my greatest obsession. I can't even cry and have sweat because of this condition. I just want to feel it too. To live without limitation. To finally live as a normal person. Nakatulala ako sa kisame ng kwarto kong puno ng desenyong ulap hanggang sa nakatulogan ko ang mga iniisip.

Pag-kagising ko masamang balita agad ang bumungad sa akin.

"Ate, gising! Mom needs you downstairs. She needs your opinion on my new tutor!"

Napabangon ako bigla dahil sa sinabi niya. Did my mom called that guy here? Ang bilis naman ata at ngayon agad. I did all my necessities before going to the living room.

And there I saw his damp hair again and his irritating face. Nakakawalang-gana naman kumain mamaya. Hindi ko mapigilan punahin ang suot niya ngayon. Nakasuot siya ng puting v-neck tshirt at jeans. It's so casual actually but there's something about it that makes him notable in that outfit. Tiningnan ko ang sarili. My outfit was far cry from his. It's just my usual cardigan and I paired it with shorts.

I sat beside my mom who's now talking to Clave.

"Please accept our offer. Minsan lang magkaroon ng kaibigan si hugo at mas matanda pa sa kanya. I think it's good to have you near him. Para naman mahawaan ng kasipagan mag-aral."

"But I can't assure you my schedule because I'm still into my doctoral degree."

"its okay, you can come here whenever you're free."

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni mommy. Nilingon ko si Clave na ngayon ay nakatingin akin dahil siguro sa eksaheradang reaksiyon ko.

"You're giving him a favor mom?! That's unfair to Hugo. If he can't give his full attention to my brother eh ano pang silbi ng pagiging tutor niya."

"Considering he still pursues his doctoral degree anak maswerte tayong handa pa siyang maglaan ng oras sa kapatid mo. You can't see such a person like him."

Anong maswerte? Eh malas nga yang lalaking yan. Tsk. I'll rather find tutor online that is responsible in teaching kesa pagtiyagaan ang kakarampot na oras ng lalaking kaharap ni mommy.

"Teaching was my second income back then. Matagal ko ng tinigilan but I'll make an exception this time." He said while seriously looking at me.

Naitikom ko na lang ang bibig ko. Ngayon pinag-iisipan ko na kung paano siya iiwasan. I'll have a hard time to deal with the real thing.

Some clouds don't rainWhere stories live. Discover now