PROLOGUE

760 12 0
                                    

Prologue

"Ellieee, may chika akooo!"

Napatanggal ako ng earphones nang wala sa oras dahil biglang dumating ang maingay kong kaibigan. Mabilis niya agad akong hinampas sa balikat na ikinagulat ko't ikinainis.

Napakagat labi nalang ako dahil dito. She's really hyper and loves hitting us whenever she's happy. I just don't get, why the heck does she need to hurt people whenever she's happy. I think for me, that's selfish, hurting people just for your own happiness. But for her, that's just how she express her feelings and I'm so sick of it.

"Ano na naman? Nananahimik ako rito e." Sagot ko sa tamad na boses.

May ichichika na naman 'to sa akin kaya nagmamadali at kung ano anong kinakalikot sa phone. Lagi naman e, kakapasok palang sa room, may chika na agad. Unending chikas with her always first thing upon arriving at the room.

"May ipapakita ako sa'yo." She's excitingly swipes through her phone. I pause the music first while waiting for her.

"Ano na namang nalaman mo, ha?" I irritably asked. Tsk, nakapa marites talaga nito kahit kailan.

"Teka lang--ito oh!" Pinakita niya sa akin ang screen ng phone. "Screenshot ko pa 'yan para sa'yo, ahh." Panggigil nito.

Nilapit ko ang mga mata sa screen para makita nang maayos at klaro. Nang mapagtanto ko na ang pinakita, natahimik pa ako ng ilang segundo para maproseso ng utak ko ang nakita. Inaamin kong hindi ko pa rin siya nakakalimutan kahit dalawang taon na ang lumipas.

Tumigil siya na parang nag-iisip. "I think that's his girl. See the caption." 

She showed me a screenshot of an instagram story of him in which a picture of a girl is smiling through his cam with a caption "Mine." 

I tried to calm down infront of her and acted like nothing happened. "Pumunta ka rito para lang diyan?" I looked away and swipes my phone when she talked again, confused.

"Syempre. Kagabi ko pa 'to gustong ipakita sa'yo kaso ayoko sa messenger e. Gusto kong makita ang reaksyon mo sa personal." Mukhang hindi ata nito iniisip ang mga pinagsasabi. Masyadong carefree.

I didn't answer and still continued swiping. "Ano namang napala mo?" Sarkastikong tanong ko at nagpanggap na parang walang pakialam.

"Gusto ko nga makita ang reaksyon mo sa personal. But then nakita mo na so, I can delete it." Tumahimik siya ulit at naging abala. Sinilip ko pa ang ginagawa nito ngunit mabilis ding iniwas ang tingin at napaubo nang peke.

"Okay, tapos na. Awee, okay lang 'yan, girl. Mag move on ka nalang sa tangang pagkamamali mo." Pambihira talaga 'to kung makapagsalita.

Tinaasan ko siya ng kilay ngunit nanatili lamang ang mukha nitong mapang-asar. "Hoy, naka move on na kaya. Ikaw nalang ata ang hindi pa, kaya pwede ba, itigil mo na 'yang kaka screenshot at kaka send sa 'kin ng mga nalalaman mo tungkol sa kanya kasi wala na akong pake."

Nag make face siya sa akin at nagkibit balikat. Nainis ako at napasapo nalang sa noo. "Past is past. Tapos na 'yon."

She's nodding, still smiling, like she's teasing me. "Talaga lang ha? Sinungaling ka talaga.  Huwag kang mag-alala, 'pag may nakuha akong new infos, sabihin ko agad. Bye." Lumabas na siya para pumunta na sa room nila.

Tingnan mo na, parang ewan 'to. Pupunta lang dito para lang doon kung pwede namang during break or lunch time o 'di kaya 'pag uwian since sabay naman kami uuwi. Tsk, sinadya niya talaga iyon.

Nang mawala na siya sa tabi ko, biglang tumahimik ang paligid. Kanya kanyang ginagawa ang iba sa amin dahil wala pa si prof kung kaya't nagkaroon din ako ng tyansang mag emote rito. Biglang nag flashback ulit sa akin ang pinakita niyang litrato. Hindi ako makapaniwalang totoo nga 'yon.

Too Late, EllieWhere stories live. Discover now