Chapter 9

706 51 0
                                    

Cole's

Gusto ko na lang maiyak sa sweetness ni Laney at Ate Daryll. Ako na lang kaya lumayas sa room namin no? Sila na lang don.

"Ok lang yan, Coley. " Sabay tap ni Ate Dana sa balikat ko.

"Thank you sa advice Ate. Sayang lang. Di naman nagamit." Malungkot kong sabi.

"Pwede pa naman. Sa iba nga lang." Pero si Laney, si Laney lang ang gusto ko. At sure akong siya ang tinutukoy ni Tita Nicole.

Uminom na lang siya ng water.

Bakit pa kase nila ako sinama dito. Mas gusto ko na lang sa mansion. Nasasaktan lang ako dito.

Naglaro na ulit sila. Ramdam ko na tumitingin si Laney sakin.

"Bakit ba?" Tanong ko na sa kanya. Magkalapit lang kami.

"H-Ha?"

"You keep on looking at me. Problema mo?"

"H-Hindi ah! Assuming ka!" Tss. Napatawa naman ako.

"Yes you do."

"Bakit ba kase di mo ko pinapansin ha?" Inis niyang tanong.

"Bakit? Di naman kita nakakasama ah? Paani kita papansinin? Lagi ka ding wala sa room."

"Eh ang boring don. Tsaka iniiwasan mo kaya ako! Parang di kaibigan."

Oo nga, kaibigan lang.

"Di kita iniiwasan. Baka magselos si Ate Daryll sakin."

Di naman siya kumibo.

"Kaya kung lilipat ka. Dalian mo na lang."

"Ay grabe, pinapa-alis mo na ako sa kwarto natin?" Kala mo bang nasasaktan niyang sabi.

"Masyado bang halata?" Hinampas niya naman ako.

"Ang sama mo!" Hinampas niya ulit ako.

Sakit na nga ng puso ko sakit pa ng katawan ko. Punyemas na buhay.

"Aray ko, tama na oi." Sabi ko sabay himaa nung parg na hinampas niya.

Ang sakit tangina.

"Tss." Irap niya.

Natapos game nila, wala na ulit sakin atensyon niya.

May dala palang kotse si Ate Daryll kaya sa kanya sumabay si Laney.

Pagdating sa mansion maingay pa din sila. Maingay naman talaga sila lagi eh.

"Oh lilipat ka ba talaga?" Tanong ni Ate Alice kay Laney.

"Payag ka na Cap?" Sanaol masaya.

"Hindi." Pfft.

"Captain naman!" Yes, sa room pa din siya.

"Patapusin niyo ko ok?" Ay hala.

"Si Cole ang ililipat. Di pwedeng mag-isa si Cole don." Hays.

"Sino gusto ka-roommate tong batang to?"

"Dun na lang samin Ate Alice!" Hays, buti na lang talaga.

"Yie~ Jamie ha?"

"Epal mo." Asar na sabi ni Ate Jamie kay Ate Yzabel.

"Ok lang Cole?"

"Opo."

Mas ok na to, move on kahit na hindi niya nalaman.

Bakit ba kase ang manhid manhid niya?

Nakakainis.

Tanga tanga niya sobra. Wag lang sana siyang sasaktan ni Ate Daryll, nako, uuntog ko siya.

Until We Meet Again [Discontinued]Where stories live. Discover now