Chapter 26

799 49 6
                                    

Cole's

"TANGINA KA!" Hinila ko kaagad siya tsaka sinuntok.

"D-Da!" Tangina. Paano nila nagagawang gaguhin si Laney?!

Napa-upo si Ate Daryll sa ginawa ko.

Hinablot ko ulit ang kwelyo niya.

"TANGINA MO! LAKI NG TIWALA KO SAYO TAPOS GAGAGUHIN MO LANG." Isang suntok pa ulit ang binigay ko sa kanya.

"Cole ano ba?!" Di ko naman pinansin si Ate Cess.

Gusto kong basagin yung mukha nilang dalawa.

"Ate Daryll naman! Hinayaan ko si Laney para sayo tapos manggagago ka lang?" Imbes na sagutin niya ay ngumisi lang siya.

Tumriple ata ang init ng ulo ko kaya hinila ko siya patayo, kaso nasipa niya ako.

"Wag kang mayabang!" Suntok niya din sakin.

Di naman ako nagpatinag at binawian siya ng suntok.

Kanina pa umaawat si Ate Cess samin pero tinulak ko lang siya then ayon sinuntok ako ulit ni Ate Daryll.

Simpleng tulak lang concern kaagad siya? Tangina si Laney nga ginagagago niya.

"Minahal ka nung tao tapos sasayangin mo? Napaka-walang kwenta mong tao." Wala na akong pake kung magkanda-gago gago mukha naming dalawa. Gusto ko lang basagin mukha niya.

"Oh inggit ka? Na mas pinili niya ako kesa sayo?" Tangina sinusubukan ata ako nito.

"Bakit ako maiinggit ha? Never akong maiinggit sa gagong kagaya mo!" Sinapak ko ulit siya. Dumudugo yung bandang kilay ko, kahit sa labi meron din. Same sa kanya.

"Di mo na lang aminin, Cole! Alam naman natin na gusto mo pa din siya. Kaso ang lungkot no? Ako pinili eh. Bagal mo kase." Kinwelyuhan ko lang siya. Naiinis ako sa pagmumukha niya.

"Napakawalang kwenta mo." Sabay suntok ko.

"Atleast I got her, eh ikaw? Umasa ka lang sa kanya ng umasa hanggang sa balewalain ka niya." Puro gantihan lang ang ginagawa namin, ng bumagsak siya ay agad kong pinatungan tsaka pinagsusuntok sa mukha.

Nang makabawi siya ay tinulak ako, isang malakas na suntok ang tumama sa mukha dahilan ng pagkahilo ko. Ilang suntok pa ang tumama sakin. Hindi ko magawang ibalik yung suntok na binibigay niya.

Binitawan niya ako bigla, susugod pa sana ako ng yumakap sa harapan kong babae na umiiyak.

"Cole, t-tama na." Para akong nanghina ng yakapin niya ako.

Siya pa din ang kahinaan ko.

"Papatayin mo ba to Daryll?!" Sigaw sa kanya nila Ate Abby.

"Shhh stop crying." Agad ko siyang niyakap pabalik.

"Wala na Daryll, bistado ka na kanina pa. Galing mong manggago no? Talagang sa kasama pa natin dito?"

Nilingon niya naman si Laney. Pinunasan ko yung mga luha niya.

"B-Baby." Lalapit pa sana siya ng harangan siya ni Ate Gabb tsaka itinulak.

"Wala kang karapatang lumapit sa kanya matapos mong gagu-gaguhin si Laney."

"B-Bakit Daryll?" Umiiyak na tanong ni Laney. Kung alam ko lang na magiging ganito, dapat pala pinaglaban ko siya noon.

"Laney, I'm sorry."

"Sorry? Tangina naman, Daryll! Maga-anim na buwan na akong tanga sayo!"

"Ano bang kulang sa ginawa ko?! Bakit kailangan diyan pa sa ex mo?! Bakit hindi mo na lang ako hiniwalayan diba?"

Until We Meet Again [Discontinued]Where stories live. Discover now