Chapter 16

706 45 3
                                    

Cole's

Nagpasama ako sa kapatid ko.

Kinausap ko si Tita, maririnig niya ako. Lakas ko kay Rold eh.

Pabalik na nga kami sa bahay. Naglalakad para puntahan yung kotse ko. Nagutom kase kapatid ko kaya nagmall pa kame ng saglit.

Lalakad na sana ako ng makita ang babae na tatawid.

Teka?! --si Laney ba yon?

May paparating na sasakyan. Agad akong napatakbo.

"Ate Cole!" Sigaw pa niya pero hindi ko siya pinansin at tinakbo si Laney.

Agad ko siyang itinulak dahilan ng pagkakabagsak naming dalawa.

"A-Ayos ka lang ba?" Tanong ko kaagad.

Nagulat pa ako ng mapansin ang itsura ng babae. She look's Laney na nasa 30's.

"N-Nicole" No fucking way! Tita Lorelaine passed away already!

Tinulungan ko siyang tumayo at inakay papuntang kabilang lane.

"N-Nicole ikaw n-nga." Napahawak pa ito sa pisnge ko.

"Ate! Magpapakamatay ka ba?!" Bulyaw sakin ng kapatid ko.

"Miss? Ok ka lang ba? And I'm not Nicole, my name is Cole. And this is my sister Ashley." Pagpapakilala ko.

"S-Sorry. Pero salamat, hindi mo na dapat ginawa yon. Nagkasugat ka ba?" Chineck naman nito ang magkabilang braso ko.

Di ko maiwasang mapatitig sa mukha niya. Kuhang kuha nga ni Laney ang mukha niya.

"Ako nga pala si Lorelaine." Putangina.

"P-Po?"

P-Paano?

"Gusto niyo muna bang kumain?" Alok nito.

"Tara na ate!" Patay gutom talaga.

Sumama kami ni Ashley sa kanya. Wala naman sigurong masama. Pero paanong buhay siya? Ang alam ng lahat wala na siya.

Nakarating kame sa isang milk tea shop.

"Umorder ka na ng kahit anong gusto mo. Libre ko na."

"Ay wag na po, nakakahiya naman po sa inyo." Pigil ko na. Knowing my sister, she will buy everything she likes.

"Ate naman!"

"No, I insist. Pay na din sa pagliligtas mo saken." Napalawak ang ngiti ng kapatid ko. Wala naman na akong nagawa.

"I know nagtataka kung bakit nandito ako sa harapan mo."

Nakatingin lang ako sa kanya.

"Ako din nagtataka kung paano pa ako nakaligtas sa nangyari noon."

"Kung bakit nakaligtas ako, pero si Nicole hindi."

"S-So hindi ka p-po talaga namatay?" Umiling ito kaagad sakin.

"Nang madala daw ako sa hospital, critical ang kondisyon ko. Habang ang tita mo dead on arrival. Nagsuggest ang mga doctor na makakaligtas ako if ever na may makukuhang brain donor." Paliwanag niya. Nakikinig lang ako.

"Pumayag sila Daddy na humanap ng heart donor ko. At ang Lolo ni Nicole ang nagbigay. Hindi alam ng Lola mo na idinonate nila ang utak ni Nicole sakin. Nung una, aaminin kong nagalit ako sa ginawa nila. Bakit hindi na lang nila niligtas si Nicole? Kesa idonate sakin tong utak niya. But then I realize, kahit na hindi kami nagkatuluyan, atleast her heart is still with me. Walang naka-alam ng bagay na yon, maliban saken, kay Mommy at Daddy, pati na din ang Lolo ni Nicole. Wala ding may alam na buhay ako."

Until We Meet Again [Discontinued]Where stories live. Discover now