Chapter 20

829 47 14
                                    

Cole's

Pagkatapos kumain naligo na kaagad ako. Nagpipigil lang ako ng inis kanina. Nananadya amputa. Suntukin ko mukha niya eh.

Nanggigil talaga ako sa kanya.

Ewan ko pero ilang beses ko ding nahuling nakikipagtitigan si Ate Daryll kay Ate Cess. Aba subukan niya lang lokohin si Laney, babangasin ko ng sobra mukha niya.

Naligo na ako dahil pupunta pa ako kila Mobile. Di naman kami lalabas. She just wanted me to introduce to her friends. Si Ate Cherprang palang naman kase kilala ko.

Saglitan na ligo lang. Mabango pa din naman ako no.

"Ate aalis na ako ha?" Bilin ko kila Ate Jamie. Mga busy sila sa jowa nila.

"Easyhan lang ha!" Lumabas na ako ng kwarto namin.

Kinuha ko na yung Cake sa ref.

Nasa labas pa pala sila Ate Alice.

"Oh aalis ka na?"

"Ah opo, Ate. Baka po dun na din ako mag-dinner, wag niyo na po ako intayin." Inaaya din kase nila ako na doon na magdinner.

"Oh sige. Easy lang ha?"

"Ate naman!" Reklamo ko sa kaniya.

"Oh sige na. Ingat ka."

Ngumiti lang ako at tumango tsaka lumabas. Nginitian ko pa sila Ate Sayaka na nandito. Magkakausap sila.

Lalakarin ko lang since malapit lang. Mga 3 bahay lang ata ang pagitan.

Pinindot ko na yung doorbell nila.

May lumabas namang babae.

"Ay hello po." Nahihiya ko pang sabi.

"You must be Cole. Tara pasok ka. Nasa loob pa kase si Mobile. By the way, I'm Kaew."

"Ay hello. Cole." I shaked her hands. Sinarado niya yung gate tsaka kami tuluyang pumasok.

"Oh hello Cole." Si ate Cher yon.

"Ahm, Ate sa inyo po."

"Naks, nagpapakakas na kaagad ha. Hindi naman kailangan nito. Kumain ka na ba?" Tumango lang ako. Nahihiya pa ako eh.

"Jane, call Mobile na. Maganda na kamo siya ayos na yon" Ang cute lang nila. Fluent na sila magtagalog.

Umakyat naman yung Jane.

"Don't be shy, Cole. Di naman kame nangangagat." Nakakahiya pa din.

"May gusto ka bang kainin?" Umiling lang ako sa kanila. Kakakain din lang naman ng lunch.

Maya maya lang may bumaba na. Si Mobile. Shit. Ang cute niya.

"Tagal mo." Sabay batok sa kanya ni Ate Orn.

"H-Hi?" Nahihiyang sabi ko.

"Di ka ba inaaway nila?" Natawa naman ako ng bahagya. Umiling lang ako.

Umupo naman siya sa tabi ko.

"So Ate's, she's Cole--"

"Yung kine-kwento mong cute na Volleyball player na maging maglaro tapos may braces, tapos matangkad--" Pinutol naman ni Ate Cher si Ate Jane.

"At yung nakabangga sayo na nanglibre sayo at kasama mo kahapon na lumabas. Oo kilala namin." Namula naman ako sa sinabi nila.

"Bonus na lang na kilala sila nila Skribikin." Amp, last name ang tawag.

"Don't be shy, Cole. You know what? Boto kami sayo for her." Yie.

"Ay talaga po? Should I start courting her now?" Hinampas niya naman ako bigla.

Until We Meet Again [Discontinued]Where stories live. Discover now