Sa Kalawakan

2 2 0
                                    

Saksi ang bawat bituin at buwan sa kalawakan,
Sa pag-ibig nating tila walang hanggan,
Saksi ang bawat patak ng ulan,
Sa pangakong ating tinuran.

Saksi ang kalawakan sa tamis ng ating samahan,
Saksi ang araw sa kalangitan,
Sa kasiyahang ating nararamdaman,
Sa bawat minuto na ika'y nasisilayan.

Bituin sa kalangita'y ating pagmasdan,
Ngiti mo'y maihahalintulad sa buwan,
Kasing tingkad ng liwanag ng kalawakan,
Ikaw ang aking tanglaw sa bawat gabing walang kasiguraduhan.

Halika't ako'y samahan,
Ako muna ay iyong hawakan at hagkan,
Atin munang pagmasdan ang bituin at buwan,
Bago ako'y tuluyang iwanan.

Ako muna'y samahan,
Sa isang gabing puno ng luha't dulo ng ating samahan,
Hayaan nating masaksihan ng buwan,
Ang tuluyan mong paglisan.

Hayaan nating maging saksi ang kalawakan
Sa dulo ng pag-ibig na minsan sa akin ay pinahiram,
Hayaan nating maging saksi ang buwan
Sa pighati na aking nararamdaman.

The Truth Untold Where stories live. Discover now