Walls

39 3 0
                                    

Everard

I was born not having anything that truly belongs to me. I was left on an orphanage as a baby and it wasn't a pleasant childhood having to always try and fight for your own space, your own food and almost everything even love. I was a rebellious child, I was adopted but they couldn't handle me so I was always put back to the orphanage. I decided to get out of there when I turned ten and no one wants to adopt me anymore, I was homeless. I became a street rat, stealing food and money up until I met Boss Leonardo who taught me how to fight like a man. I was important to him, an asset being a thin kid able to climb up inside houses and helping them orchestrate their crimes easily.

Noong nasa gang ako ay pakiramdam ko isa akong importanteng tao, na may silbi ako at kailangan nila ako. Umasa ako noon na sila na ang aking magiging pamilya pero mali ako. Ako ang sumalo ng mga kasalanan nila ng minsang may raid ang mga pulis sa isang bar at nakulong ako dahil roon, pero lumaya ako kapalit ng pagsuplong ko sa kanila. Ipinagkanulo ko ang grupo dahil sa gusto kong makalaya.

"Iniisip mo na naman ba ang nakaraan iho?" Nilingon ko si Tay Rene na tinabihan ako habang ako'y nakatanaw sa dagat. Nasa loob na si Maiara marahil ay nagpapahinga na rin. Napabuntong-hininga ako ng tapikin niya ako sa likod, lagi akong nagpapasalamat na kahit papano ay nasa tabi ko si Tay Rene na para ko naring naging ama. Nag-iisip na naman ako ng ganito dahil nakikita ko sa Prinsesa ang aking sarili noong nais kong lumaya. Minsan talaga parang napakahirap na piliin ang sarili.

"Kasalanan ko yata Tay na namatay si Leonardo sa loob ng selda dapat ay di nalang ako nagsalita kung nasaan ang hideout nila noon." Hanggang ngayon ay dala ko parin ang bigat sa aking dibdib sa kaisipang ang taong tumuring sa aking kapamilya ay namatay rin sa kadahilanang pinagtaksilan ko siya.

"Wala kang kasalan iho, masamang tao si Leonardo at maraming may galit sa kaniya. Disiotso ka lang noon at ginawa mo lang ang tama." Ginulo ni Tay Rene ang buhok ko tapos ay umalis na, nagbuntong hininga ako tapos ay kinapa ang marka sa aking dibdib. Hanggang ngayon ay hindi parin ako marunong magmahal dahil sa nakaraan ko. Kapag naaalala ko ang mga mata ng Prinsesa na nakatingin sa akin ay iba ang dulot nito sa aking sistema kaya't mas mabuting lumayo na muna ako sa kaniya.

 Kapag naaalala ko ang mga mata ng Prinsesa na nakatingin sa akin ay iba ang dulot nito sa aking sistema kaya't mas mabuting lumayo na muna ako sa kaniya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Her Royal EscapeWhere stories live. Discover now