Chapter 2

386 11 0
                                    

"Papa, ano ba ang nangyayari? Bakit tayo nagmamadali? Atsaka anong ang problema sa company?", nalilitong tanong ni Sofia.

"Ang Press Conference kanina ay scripted dahil alam na nila kung nasaan ka at nagbanta silang papatayin ka kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod" sabi ni Dr. Reeze sabay talikod at kinuha ang mga gamit na kakailangin ni Sofia

Iniabot ni Dr. Reeze ang Protective Suite, Necklace at back pack sabay sabi "Magmadali kang isuot ang mga yan"

Ang Protective Suit na sa una ay maluwag ay kusang nag adjust at naging fit sa kanya saka sinunod ang Necklace at Backpack, pagkatapos ay nagtanong muli

"Papa bakit! anong kasalanan mo sa kanila?"sabay titig sa mga mata ni Dr. Reeze

Walang naging tugon si Dr. Reeze bagkus naramdaman na lang niya ang paghila sa kanya papunta sa sikretong daanan.

Pagdating sa pintuan, napatigil si Sofia sa paglakad ng mapansin ang paghinto ni Dr. Reeze, tumitig ito sa kanya at sinabi,

" Sofia anak, hindi na kita masasamahan, ako ang pakay nila at sa mga sandaling ito alam na nila ang ginawa ko kaya kailangan kitang mailayo."

Yumakap ng mahigpit si Sofia sa kanyang Papa habang naghuhumiyaw ang kalooban

"Papa!! hindi ko na talaga naiintindihan ang nangyayari, bakit ako lang ang aalis? Ayoko!! Hindi kita iiwan!!",

Hinawakan siya sa balikat ni Dr. Reeze para mailayo sa kanyang bisig habang lumuluhang nagsabi

" Anak ingatan mo ang necklace, diyan naka store ang lahat ng experiment ng mga gamot at iba pang information na gawa ng iyong Mama kabilang ang Biofuel Project, tandaan mo kung sakali kailanganin ang Antidote, "REVERSE LANG NG FORMULA"

Napayakap ulit si Sofia ng marinig ang malakas na pagsabog at tunog ng baril, at nanginginig na nagsabi,

" Papa!! umalis na tayo dito ayokong humiwalay sayo!!! Halika na!!"

Pero hindi kumilos si Dr. Reeze bagkus nanatili lang sa pagkakatayo

" Anak, lakasan mo ang loob mo, naniniwala ako gagabayan ka ng Diyos, manalig ka may darating na tulong."

"Pero Papa kailangan kita!!",

Hindi na mulling tumugon si Dr Reeze bagkus naramdaman na lang niya ang pagtulak dahilan para siya mawala ng balanse at napaupo.

Agad siyang tumayo para puntahan ang kanyang Papa ngunit isang malaking pagsabog mula sa loob ang kanyang narinig dahilan para siya ay mapaupong muli.

"Papa!!!!", Papa!!!!

Paulit-ulit na sigaw ni Sofia hanggang sa narinig ang panibagong pagsabog.

Saka niya napansin napakadilim ng paligid

Zombie DrugWhere stories live. Discover now