Chapter 20

60 4 0
                                    

Goodmorning, bati ni Dr. Ren kay Sofia, tinatamad at tila inaantok pa na bumangon si Sofia, ngumiti lang sa kanya tapos dumiretso agad ng CR.

Paglabas nakita ni Sofia nakaready na ang almusal at siya na lang ang inaantay. 

Almusal na tayo, bati ni Dr Ren.
Thank you Dr. Ren the best ka talaga sabay kindat ng mata. Oh by  the way baka pwede na natin macheck ang mga file sa USB sa necklace ko.
Sige pero after kumain, sagot ni Dr. Ren

Pagkatapos kumain dumiretso agad sila sa sa computer, Na check nila ang laman ng USB at confirm compilation nga iyon ng lahat ng experiments, formula at discoveries ni Dr. Maine, pero wala doon ang Antidote ng Zombie Drug.

Akala ko ba may Antidote bakit wala sa file, nalilitong tanong ni Dr. Ren, sabay napaisip si Sofia at pilit na inaalala ang  bilin ng kanyang Papa. Aaah, I remember, ang sabi ng Papa ang Antidote daw ay reverse  ng formula ng Zombie Drug

"Reverse ba kamo" napakunot ang noo dahil sa hindi makapaniwala.
Oo yun ang sabi ng Papa, mariing sagot ni Sofia.

Pagkalipas ng ilang oras nagawa  nila ang Antidote datapwat malungkot na napatitig si Sofia kay Dr. Ren.

Sofia may problem ka ba kanina ka pa nakatitig sa akin? alam ko gwapo ako, pabiro na tanong ni Dr. Ren. Hindi naman pinansin iyon Sofia bagkus seryosong nagtanong, " May pagasa pa pala makabalik sa normal ang mga naging Zombie, paano yung mga napatay natin?"

Wala na tayong magagawa doon Sofia, ng mga sandaling nakikipaglaban tayo hindi pa naman natin alam
Pero, binanggit sa akin iyon ni Papa

Binanggit sayo, alam mo ba gawin? naiintindihan mo ba ng mga sandaling iyon? Kapag nasa guera ang dapat na nasa isip mo ay kung paano ka mabubuhay hindi kung paano mo sila bubuhayin. At ngayon alam na natin may pagkakataon pa tayong itama ang mali, iligtas ang mga natitira at bagong biktima

Mayamaya ay napayakap habang umiiyak si Sofia kay Dr. Ren. Hinayaan lang niya ito sa kanyang mga bisig hanggang sa gumaan ang pakiramdam.

At dahil sa nagawang antidote nagrequest ang dalawa ng meeting kila Sgt. Al.

Zombie DrugWo Geschichten leben. Entdecke jetzt