Chapter 12

84 4 0
                                    

Pagkarinig nagtatakbo si Sofia pabalik na sinundan naman ni Dr. Ren.

Kanina lihim na sumunod si Mimi sa kanila, sumabit ito sa puno at nakipana. At dahil inakalang wala na, bumaba si Mimi sa puno ng biglang siyang nakarinig ng Aargh, Aaargh at mabilis na papalapit ang isang Zombie na takam na takam sa kanya.

Hwaaaaah!!! Mama Sofia!! nagtatakbo siya ng mabilis at naakyat ang maliit na puno.

Nagpaikot ikot ang Zombie sa ibaba at sinubukan na umakyat sa puno at ng  hindi kinaya mayamaya ay naramdaman na lang ni Mimi ang unti unting pagtumba ng puno habang inuuga ng malakas.

Mama Sofia tulong!!!!  habang pinipilit na kumapit sa malapit ng matumbang puno.

Narinig ng dalawa ang sigaw ni Mimi kayat madali nila ito natunton. Sinipa ng malakas ni Dr. Ren ang Zombie saka sinundan ng espada hanggang magkapirapiraso ang katawan. Inalalayan naman ni  Sofia si Mimi sa pagbaba.

Mama Sofia!!!Huhuhuhu! habang nakayakap kay Sofia

Hindi napigilan ni Sofia ang maluha ng maramdam ang sobrang panginginig ni Mimi habang nakayakap sa kanya. Niyakap naman ni Dr. Ren ang dalawa para pakalmahin. Halina kayo at baka may dumating pa na Zombie ulit.

Ligtas ka na Mimi, huwag ka na ulit aalis ng hindi nagpapaalam.

Opo Mama Sofia, hindi na mauulit, huhuhu,,

Inihatid nila si Mimi pabalik ng kweba. Pinayuhan ni Dr. Ren ang pinuno ng katutubo na manatili muna sila sa kweba dahil may dadating pang mga kalaban.

Zombie DrugWo Geschichten leben. Entdecke jetzt