Chapter 21

56 3 0
                                    

Conference Room

Dr. Ren my Bro, salamat for the first time naging successful ang operation, naubos ang mga Zombie kagabi, masayang balita ni Sgt Al habang si Dr. Ren ay tahimik na nakikinig.

Agad nawala ang masayang aura sa mukha ni Sgt. Al ng mapansin ang seryoso ang dalawa.

Naging tahimik ang mga sumunod na sandali kayat si Sofia ang nagsalita, Sgt Al, kahit Zombie sila tao parin sila na dapat natin sagipin at hindi patayin dahil biktima rin sila. 

Nagtaka ang lahat sa sinabi ni Sofia maliban lang kay Dr. Ren

Napakunot ang noo ni Major Din, so what do you suggest?

Nakagawa na kami ng antidote para maibalik ang Zombie sa normal pero kailangan muna namin iyon matest sa mismong infected, paliwanag ni Dr. Ren

Ilan ang kailangan? tanong ni Sgt Al

Dalawa, isang newly infected as in kagabi lang at isang matagal ng infected, sagot naman ni Sofia

Noon din ipinagutos sa isang captain ang request ni Dr. Ren.

Pagkatapos inilatag naman ni Major Din ang iba pang plano, ang force evacuation sa karatig lugar ng Zombie Bldg. para masiguro na wala sila makukuhang bago, at maglalagay  din ng check point sa bawat entry para makita kung magkakaroon ng movement sa loob at labas.

Bago matapos ang araw dinala ni Sgt Al ang dalawang infected sa laboratory

Kilala ko siya, katulong namin siya sa bahay sabay turo ni Sofia sa mukhang matagal ng infected habang tinuturukan  ni Dr. Ren

At gaya ng inaasahan, mababang dosage lang sa isang bagong Zombie may epekto na agad, bigla itong kumakalma at wari nakakakilala ng tao agad. Samantalang ang dati nilang katulong ay walang pagbabago.

Sayang nakausap ko na sana siya, nasambit ni Sofia sa sarili ng hindi umipekto ang unang injection

Pansamantala inilagay sa magkahiwalay na kwarto ang dalawa habang inoobserbahan.

Pagkatapos, nagrequest ulit ng meeting sila Dr. Ren at Sofia.

Zombie DrugWhere stories live. Discover now