Chapter 23

52 4 0
                                    

Isang umaga, dumating si Sgt Al, Cath at Major Din. Pagpasok pa lang sa loob kinutuban agad  si Sofia ng mapansin na wala ang malaking nunal nito sa kamay.  Bumalik siya ng laboratory para isuot ang kanyang Special Suit  saka pinatungan ng white gown at  nagturok ng Energy Booster. Kumuha din ng tatlo at inilagay kanyang lbulsa kasama ng patalim at baril.

Pagpasok sa loob ni Sofia, agad niyang napansin ang pagkainis sa mukha ni Major Din.

Major pasensya ka na sumakit ang tiyan ko kaya nag CR pa ako, sabay hawak ng kanang kamay sa buhok na kunwari ay inaayos samantalang pasikretong inaabot kay Dr. Ren ang tatlong Energy Booster.

Agad naman itinurok ni Dr. Ren sa katawan niya ang isa.

Major Din iyan ba ang mapa na ginamit ninyo for rescue and evacuation,tanong ni Sofia.

Lumingon muna likod kung nasaan ang  mapa atsaka naiiritang sumagot si Major Din, Yes? May problem ka ba dyan?

Nagkukunwaring walang alam na sumagot si Sofia, wala naman, parang napansin ko kasi hindi yan ang mapa na itinuro sa school,

Sinamantala naman ni Dr. Ren maipasa ang Energy Booster kila Sgt Al at Cath at mabilis naman itinurok sa kanilang sarili.

Hindi na pinansin ni Major Din si Sofia bagkus tumingin ito kay Sgt Al. saka nagtanong, What is the operation status yesterday Sgt. Al.

Major, yesterday nagawa namin maintercept ang dapat sana matuturukan ng Zombie Drug, napatay namin ang lider nila.Next is nasuyod na namin ang kanilang  mga laboratory kabilang ang mga bahay bakasyunan ng pamilya ni Sofia bukod tanging Zombie Bldg. na lang ang hindi and we are now waiting for your order.

Masaya ang lahat sa narinig na report,  maliban lang sa isa.

Zombie DrugWhere stories live. Discover now