Chapter 38

42 4 0
                                    

Team, we will now proceed on the second phase of our operation which is the Basement 1, Sgt Syst you may now explain the procedure, paunang bungad ni Sgt Al.

Thank you Sergeant .. Team kung napapansin ninyo meron 20 na kulungan sa Basement 1 sabay turo sa monitor. Sampung kulungan sa magkabilang gilid at daanan sa gitna. Automatic ang bawat pintuan kaya ako lang ang may direct access. Lahat ng nakakulong ay mga Zombie Victim at pwede pang magamot.

Binaba ng mga sundalo ang Basement 1, ng makapasok pinagbabaril nila ng anti dote ang mga nakakakulong na isa isa naman bumagsak na animoy nanghina at inobserbahan ng ilang oras. Makalipas ng ilang oras ay pinagbabaril nila ulit ang mga ito at makailang ulit pa itong ginawa.

Military Camp

Makailang beses na tinurukan ni Dr. Ren si Sofia pero wala parin pagbabago patuloy parin ito sa pagpupumilit na makawala kahit hinanghina na.

Dahil sa awa naisip ni Dr. Ren na ipasipsip ang kanyang dugo para lumakas kahit konti pero dagli niyang inalis sa kanyang isip at napatitig sa formula na nasa screen.

Napansin niya na may nakasulat sa napakliliit na letra na kung hindi mo titigan iisipin mo lang na isang desenyo. Sinubukan niyang  palakihin saka naintindihan na may added information o reminder na nakalagay  na kapag nasobrahan sa Zombie Drug, ang antidote ay dapat isang particular na sangkap lang ang gagamitin.

Napatayo bigla si Dr. Ren at sinundan ang instruction. Hindi nagtagal nagawa niya at  itinurok kay Sofia.

Nabuhayan na loob si Dr. Ren ng makita ang mabilis na pagbabago kay Sofia hanggang sa tinuloy tuloy ang pag lagay ng Antidote. Makalipas ang ilang oras kalmado na si Sofia, isa isa ng inalis ni Dr. Ren ang  nakapulupot na kadena  gayundin  sa kamay at braso, hindi namalayan nakatulog sa pagbabantay

Zombie DrugWhere stories live. Discover now