Chapter 15

65 3 0
                                    

At ang pinakahuling video ay para kay Sofia.
Nanlaki ang mata ni Sofia ng marinig at makitang ang Papa niya ang nagsasalita

Sofia Anak, sa mga sandaling pinapanood mo ito marahil wala na ako.

Sa malayong lugar na hindi nila alam kita pinagaral dahil sa aking hinala na ang pagkamatay ng iyong Mama ay hindi aksidente at yun ay sinadya sa utos nila Dr. Reel at Dr. Rick.

Ang Biofuel Project ng Company, na ang main objective ay para makapag extract ng maraming fuel mula sa Giant Plant ang dahilan kung bakit nawala ang iyong Mama at kasalanan ko ang lahat.

Sinubukan namin nila Dr. Rick at Dr. Dr. Reel na gumawa ng formula subalit lahat kami ay nabigo kaya ang dalawa ang nagsuggest na ipagawa ko sa iyong Mama.

Naging successful sa unang subok palang ng iyong Mama at nakapagpalaki siya ng isang halaman. Subalit, isang araw ng mapalapit siya dito biglang pumulupot ng sadya ang mga sanga sa kanyang braso at leeg, naramdaman niya agad na may masakit at parteng kinapitan at ng marealize ang dahilan ay pagsipsip sa kanyang dugo pilit niyang inabot ang taga atsaka pinagpuputol ang mga sanga hanggang sa mga ugat nito.Pagkatapos ay sinunog ang lahat ng parte ng halaman.

Dahil sa takot hindi na niya muling sinubukan magpalaki ng halaman

Binalikan niya ang formula at isang mas nakakatakot ang aksidente niyang nadiskubre, nang matapunan ng gamot ang kanyang sugat, nakaramdam siya ng pagnanasa sa laman at dugo dahil sa muntik na niyang kagatin ang alaga niyang pusa na wariy takam na takam. Naging malakas at mabilis din ang kilos niya ng mabilis niya iton nahuli. At dahil kaunti lang ang pumasok sa katawan niya na gamot napaglabanan niya ito. Ilang araw hindi siya lumabas ng laboratory hanggang sa makagawa ng antidote.

Sa takot sa posibleng mangyari, nagdesisyon kami ng iyong Mama na kalimutan na lang ito, pero ang hindi ko alam itinago pala niya ang record at hindi naitapon.

At nang sabihin ko kila Dr. Rick at Dr. Reel na walang nangyari sa Biofuel Project naghinala ang mga ito.

Isang araw biglang nagpaalam ang isa natin katulong na uuwi na ng kanilang lugar at hindi na makakabalik, subalit hindi pa man kami nakakapagrequest sa agency may dumating agad na kapalit pero dahil busy ang iyong Mama hindi na niya pinansin ang pangyayari. Ang hindi namin alam espiya pala nila.hanggang isang araw

Zombie DrugWhere stories live. Discover now