Chapter 4

277 6 0
                                    

Hindi namalayan ni Sofia ng makalabas siya sa lagusan dahil sa pag alaala ng mga masayang sandali hanggang sa makarinig siya ng yabag ng mga paa na papalapit sa kanya.

Mabilis siyang nagtago sa ilalim ng nakatumbang puno at pinakiramdaman ang taong parating.

Nag antay ng ilang sandali at ng masiguro na walang dumating, tumingin muna siya sa paligid  saka dahan dahan lumabas at sa kanyang pagtayo biglang may yumakap sa kanya mula sa likod at tinakpan ang kanyang bibig.

At ng tangkain ni Sofia lumaban nakilala niya ang pamilyar na boses

"Sofia ako ito" saka humarap sa kanya

"Dr. Ren, nandito ka!!"

Ang nasambit ni Sofia habang nagiiyak sabay yakap kay Dr. Ren.

Hinaplos naman ni Dr. Ren ang buhok at likod ni Sofia habang tuloy ito sa pagiyak

"Dr. Ren wala na si Papa namatay siya sa pagsabog ng bahay kanina hindi ko alam anong nangyayari, bakit nila kami gustong patayin?"

"Noon si Mama, kanina si Papa  ngayon ako naman ang target nila"

"Hindi ko alam saan ako pupunta, paano ako mabubuhay" natatakot ako!!

"Ssssh, huwag kang mag alala nandito na ako hindi kita pababayaan" malambing na sagot ni Dr. Ren habang pinapahid ang luha sa mga mata ni Sofia.

Yumakap ulit si Sofia saka nagsabi "Salamat Dr. Ren"

Ang hindi alam ni Sofia may sinaksak na gamot sa kanya si Dr. Ren. Ilang saglit lang nawala ang kanyang panghihina at nakaramdam siya ng kakaibang lakas.

"Okay ka na? kaya mo ba lumaban?" tanong habang nakatitig sa kanya si Dr. Ren

Tumango si Sofia at nagsabi "Kaya ko at kakayanin ko"

Natuwa si Dr. Ren sa narinig dahil sa alam niyang may skills si Sofia sa pakikipaglaban ang kailangan lang ay lakas

"Good!  Remember your training dahil gagamitin natin yan ngayon"

"But first tatakbo tayo ng mabilis"

"Marami tayong makakakalaban na Zombie and you have to kill them and make sure you maintain distance while fighting."

"Got it?" tanong ni Dr. Ren ngunit isang tango at ngiti ang naging tugon ni Sofia

Tinitigan ni Dr. Ren para siguruhin ang kundisyon niya

"Good!" Pagkasabi ni Dr. Ren, ikinabit  niya sa hips ni Sofia ang baril, espada at patalim, nang maiyos ang lahat saka sinabi

"Lets go!"

Sinimulan nilang tumakbo ng mabilis, subalit hindi pa nakakalayo may humarang na mga Zombie.

Pinagbabaril iyon ni Dr. Ren pero ilang saglit lang ay nakatayong muli.

Tumakbo silang muli  pero dahil hindi masyadong mabilis ang takbo ni Sofia may biglang humawak sa kanyang balikat at inihagis siya.

Dahil sa lakas ng paghagis inakala ni Sofia na hahampas siya sa puno bagkus lumutang lang siya at hindi napadikit kaya agad siyang nakatayo.

Umatake ulit ang  Zombie, pero dahil prepare si Sofia, hinawakan niya at pinilipit  ang braso ng Zombie saka sinaksak sa ulo.

Hindi pa nabibitawan ni Sofia ang Zombie may isa pang umatake na Zombie pero nasipa niya ito ng malakas at agad sinundan  ng espada sabay pagputol ng ulo.

Pagharap ni Sofia sa likuran  biglang dalawang Zombie ulit ang umatake

Aaargh, niyakap si Sofia ng isang Zombie habang ang isa ay hawak ang kanyang kaliwang braso at ng kakagatin na siya binigla niyang inangat ang kanyang braso sabay luhod at mabilis na hiniwaan ang katawan ng unang Zombie saka sinunod ang pangalawa pagkatapos ay pinutulan ng ulo

Agad din niyang napatay ang mga sumunod na dumating pagkatapos ay pinuntahan  si Dr. Ren  na napapalaban sa di kalayuan.

"Dr. Ren I think hindi fighter ang mga Zombie wala silang skills at gamit"

"Pwede siguro ubusin mo muna natin sila bago tayo tumakbo palayo,what do you think?"

" Good idea, sige surprise natin sila" sagot ni Dr. Ren.

Binigyan nila ng surprise attack ang mga  dumating na Zombie at ng malapit ng mauubos may napansin si Dr. Ren na camera sa katawan ng isang Zombie.

"Sofia takbo!! " pagkasigaw ni Dr. Ren mabilis na tumakbo ang dalawa.

Nakalayo na sila ng marinig ang tunog ng mga bala.

Tumakbo sila ng tumakbo hanggang sa makarating sa isang liblib na lugar., at ng mapansin na wala ng humahabol napa upo si Sofia at nawalan ng malay

Saka pa lang napatingin si Dr. Ren sa kanyang orasan at naalala na anim na oras lang ang epekto ng gamot.


Inihiga niya ng maayos si Sofia at na tulog sa tabi nito

Zombie DrugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon