Chapter One

3.9K 103 3
                                    

Chapter 1

"SIGURADO ka na ba talaga dyan, Kyla? Magiging isang pole dancer ka?" Hindi parin makapaniwala ang kanyang kaibigan sa kanyang sinabi.

Tumango siya at naupo sa hindi kalambotan na kama ng apartment nila ng kaibigan. Sa mga nakalipas na taon ay nagpapasalamat siyang nasa tabi niya lang si Ashery. Kalevel niya lang ang kaibigan. Wala narin itong mga magulang katulad niya. Bakla ito kaya madami itong alam na trabaho.

Ito ang nagpasok sa kanya sa Casino at ito ang naging kaantabay niya upang bantayan ang anak niyang si Desiree. It's been almost seven years since that nightmare happened in her life. Since she let enter a demon in her heart but that demon bring a beautiful angel to her. And that is her daughter. Her beautiful daughter that a girl version of that demon man. From attitude to physical appearance. Kuhang-kuha ng anak niya ito. Manang-mana sa ama.

"Wala na akong ibang choice, Ash. Kailangang-kailangan ko ng malaking pera para sa pag-aaral ni Desiree at nalalapit na ang kaarawan niya. Gusto kong tupadin ang matagal niya ng pangarap na magka-birthday party kahit tayo-tayo lang." Nagbaba siya ng tingin.

Totoo ang sinabi niya. Habang lumalaki ang anak niya ay mas lumalaki ang gastosin niya at nakukulangan na siya sa sweldo sa Casino. Kaya nang i-engganyo siya ng isang ka-trabaho na mag-trabaho sa isang club ay agad niyang tinggap dahil sa laki ng sweldo kahit ang kapakanan no'n ay ang ang dignidad niya at sarili. Tinanggap niya iyon para sa anak. Ipinangako niyang bibigyan ng marangyang buhay ang anak niya kaya tutuparin niya. Gagawin niya kahit ano. Kahit maging isang mananayaw sa club na lantaran ang katawan.

Niyakap siya ng kaibigan galing sa gilid dahil nagsimula na siyang maluha. "Shhh... Pumayag naman kaya na magma-mascara ka?" Mahina nitong tanong sa kanya.

Tumango siya at saka pinalis ang luha. Kapagkuwan ay huminga ng malalim upang kalmahin ang sarili. Ang bigat ng loob niya dahil wala pa siyang ni-isang natutupad sa pangarap ng anak niya. Gusto niyang bumawi. Gusto niyang tuparin ang lahat ng gusto ng anak at gusto niyang ibigay lahat ng kailangan nito nang wala siyang pag-aalala na mauubusan siya ng pera.

Sa loob ng isang linggong pagta-trabaho niya sa club ay magkaka-fifty five thousand na siya. Saan niya magkakaroon ng ganoong kalaking sweldo? Wala. Sa Casino nga ay five thousand lang ang sweldo nya sa isang linggo. At dahil sa kahati niya ang kaibigan sa bayad ng apartment, kuryente at tubig ay nababawasan ang pera niya. Isali niya pa ang pagkain nila. Nahihiya na siyang lagi nalang si Ashery ang gumagastos sa pagkain nila kaya pinagkakasya niya lahat-lahat.

Kanina nang magtungo siya sa Billionaires Club ay agad siyang natanggap. Tinignan lang ang katawan niya ay pasado na siya. Ganoon kadali pero hindi parin mawala ang kaba sa kanyang puso dahil malaki ang tyansang magkikita sila ng dating nobyo. Mula noon hanggang ngayon ay hindi niya parin makakalimutan na parte ng Organisasyon ang binata.

Lagi siyang updated dito dahil kay Ashery. Sa tuwing uuwi ito sa apartment nila ay may dala itong magazine galing sa Maynila kung saan fini-featured ang binata kasama ng mga naging babae nito. Hindi niya rin nakakalimutan ang bangungot na nasaksihan at nangyari sa kanya. Hindi niya ata makakalimutan iyon.

"Mag-impake na tayo, Kyla Rhea Formentera, at baka gabihin tayo masyado. Balita ko pa namang uulan ngayong gabi kaya kailangan nating magmadali." Kapagkuwang sabi ng kanyag kaibigan.

Napangiwi siya nang marinig ang apelyido niya. Gustong-gusto niyang palitan ang apelyido niya pero wala siyang pera. Hahayaan niya nalang kahit hindi niya gustong dalhin ang apelyido ng ama. Wala siyang magagaw kundi tiisin iyon.

Kagaya ng sinabi ng kanyang kaibigan, nagsimula na silang nag-impake. Ang anak niya ay nasa sala at nanonood ng disney cartoons. Balak na nila ng kaibigan na sa Manila na manirahan, total ay doon na pareho ang trabaho nila. Kesa na ba-byahe pa sila ng isa't kalahating oras patungong Maynila galing Tagaytay. Mabuti nalang at agad nakakuha ang bakla ng apartment sa Maynila. Katunayan ay hinihintay nalang sila ng may-ari na pumaroon.

BILLIONAIRES 1: Secret and Lies (COMPLETED)Where stories live. Discover now