Chapter Sixteen

2.6K 87 3
                                    

Chapter 16

"HOW IS HE?"

It's been a week since that day when that guy named Hugh talked to her about her father's condition. It took her weeks to finally visit him on the hospital where he is now.

If it's not because of Ria, she won't visit him but nah. She's planning to, hindi niya lang pinapahalata sa mga nakasama.

Isang linggo narin ang nakaraan mula ng malaman ni Kian ang totoo. Lagi siya nitong kinakausap pero agad niya ring tinatapos. Kapag feel niyang wala ng dapat idagdag pa sa usapan nila, nagpapaalam kaagad siya. Hindi parin niya magawang pakisamahan ito. Hindi dahil galit siya, kundi guilty siya. Kaya siya na mismo ang umiiwas.

He tried to talk to her about them to moved on his house but she'll leave without any further answers. She can't stay there. They can't..

Sa loob ng isang linggo ay naroon lamang sila sa bahay ni Brennon. Minsan ay doon natutulog si Kian upang samahan ang anak niya kaya siya ay nasa ibang kwarto kasama ang kapatid. Wala na ata itong balak na umuwi kung hindi lang kailangan nitong bumalik sa London. Kung saan ito kasalukuyang nag-aaral. She's just hoping that Ria's father won't be able to found Ria there. Wala itong kasama doon bukod ang sarili nito at mga body guard na ipinadala ng ama niya para samahan ito. Ani pa nito, may bahay naman daw ang ama niya doon kaya doon ito nakatira kasama ang mga kasambahay at gwardya.

After her finals ay babalik ito sa undas, pasko at bagong taon. And then babalik na naman ito sa London upang tapusin na ang  four years course nitong kinuha.

It's veen a week since that incident happen in their apartment too. The boys was still investigating and digging. Sometimes, when Ralph found something, nasa bahay sila nina Brennon upang mag-usap doon.

Unti-unti ay nasasanay na siya sa mga naririnig na dapat hindi marinig ng mga ordinaryong tao. Kagaya nalang ng mga pinapatay ng ama ni Ria, kung sino-sino ang mga nasa likod ng unnamed market na iyon at ang tatlong boss na siyang inilaan ng ama ni Ria. Boss of guns and bombs, Boss of drugs and Boss of transactions. Everything about it, she know it all because of Ralph and her other friends.

The six man— including Kian— planned how to destroy and end that unnamed market. Nalaman niya ring opisyal na nagretiro na ang mga ito sa kanya-kanyang libangan na trabaho pero may huling misyon pa itong ibinigay sa kanila. 'Yon ay walang iba kundi mahuli ang lahat ng taong nasa loob ng market na iyon. Which is, angkop na angkop sa kanilang plano.

Since she want to protect her daughter and Ria, she started training in martial arts. Everything about how to attack, defense, and move like nobody can feel, pinag-aralan niya iyon lahat sa tulong nina Ralph, Earl at Kyle. Habang sina Brennon, Branson at Kian ay sinisimulan ang pagmamatyag sa market.

Simula ng mangyari ang insidenteng iyon ay pinahigpitan ng kambal ang security sa village kung saan sila tumutuloy ngayon— Billionaires Village— at pati ang paaralang pinapasukan ng anak.

Pinakatitigin ni Kyla ang amang nakahiga sa ICU bed at may mga tubong nakakonekta sa katawan nito.

Nagpapasalamat siyang wala ang asawa nito at ang anak nitong si Althea kaya malaya niya itong napagmamasdan at nabisita.

Kasama niya si Asher. Kakauwi lang rin nito galing sa kung saang lupalop ng mundo. At dahil hindi nila alam ang susunod na mangyayari matapos nung gabing 'yon ay may kasama rin sila na hindi unipormadong mga pulis na mga dating kasama lamang ng mga kaibigan niya.

"Wala ka ba talagang balak na pumasok sa loob?" Basag ni Asher sa thimik na bumabalot sa kanila.

"Hindi ko alam. Ayaw ko namang magising siya." Aniya, ang tingin ay nasa ama na natutulog kagaya ng sabi ng Doktor. Matapos itong atakihin sa sakit sa puso ay dalawang araw ang makalipas bago ito magising. Bago rin umuwi ang kapatid sa London ay bumisita muna ito sa ama nila.

BILLIONAIRES 1: Secret and Lies (COMPLETED)Where stories live. Discover now