Chapter Three

3.3K 89 7
                                    

Chapter 3

NAGPAKAWALA ng isang malalim na hininga si Kyla. She's now on their bed, laying while reminiscing what happened earlier in the dancer's room. When Kian kissed her deeply. Sucking her tongue, exploring her mouth while holding her waist tightly.

Parang pinapahiwatig dito na nangungulila ito at galit ito sa kanya. His kiss is full of anger and bereavement. She shouldn't let him devour her mouth like that. Kinamumuhian niya ito dahil sa paglalaro nito sa kanya, dahil sa pagpapa-ikot nito sa kanya.

Tumagilid siya ng higa, paharap sa natutulog niyang anghel. Sa tuwing tumititig siya sa anak ay tila tumititig siya sa ama nito. Kuhang-kuha talaga ni Desiree ang imahe ng binata.

Sa nangyari kahapon ay tila nagising na siya sa katotohanang kahit anong dasal niyang hindi magkatagpo ang landas nila ni Kian ay hindi mangyayari dahil nasa iisang bilog na mundo lang sila. Hindi man sila magka-agwat sa buhay ngunit nasa iisang lugar parin sila.

She's scared... She's cared that someday Desiree is not on her side anymore, not on her arms anymore but to Kian. Takot siyang mawala ang pinakamamahal niyang anak. Takot siyang kunin ito ng binata pagdating ng panahon.

Kaya ganoon siya kasipag pagdating sa trabaho, pagdating sa pagkikita ng pera. Kahit anong klaseng trabaho basta yumaman lang siya para kapag dumating ang kinatatakutan niya ay may panlaban siya. Gagawin niya ang lahat para hindi mawala ang anak niya sa kanya. She'll do everything to not let that happen in her existence.

Hinaplos niya ang pisngi ng anak. Nang makauwi siya ay tulog pa ito kahit maaga naman talaga itong nagigising. Alas singko na siya nakauwi dahil sa pagtitipon kanina na isinagawa ng dalawang may-ari ng Club. Mabuti nalang at wala si Brennon.

Nagbago ang schedule nila. From Monday to Friday, 1pm to 5am ang schedule niya. Magsisimula na iyon sa susunod na linggo. Hindi naman sila nakatangging mga mananayaw dahil sa laki ng sweldo nila. Kapag pala pangmayaman ang Club ay malaki ang sahod. Hindi siya nagsisi na nagsasayaw siya doon. Bukod sa hindi iyon makakarating sa labas ng Club.

Whatever happened inside the Club stays in the Club.

That was the most important rule inside. Iyon ang laging pinapaalala sa kanila ng manager ng Club sa tuwing tapos na sila sa shift nila. Sa pagkakaalala niya ay kaparehong-kapareho rin ng rule na iyon ang rule sa organisasyon ng Billionaires Brotherhood.

Whatever happens inside the Organization stays inside or else you'll face the consequences.

Hindi na niya masyadong maalala ang ibang rules ng organisasyon. Bukod sa matagal na panahon na ang lumipas ay pinilit niya talagang kalimutan ang lahat ng memoryang nakakonekta sa binata.

Dumaan ang limang araw na hindi na niya ulit nakita ang binata sa loob ng Club bagaman pakiramdam niya may nakatitig sa kanya sa tuwing nagsasayaw siya.

Hindi niya alam kung matutuwa ba siya dahil hindi niya nakita ang binata sa limang araw pero ang pakiramdam niya ay nadismasaya siya sapagkat umaasa siyang magkikita sila. Alam niyang hindi niya dapat iyon nararamdaman. Dapat ay sinusunod niya ang gusto noon- na dapat ay lumalayo siya sa binata. Lingid man sa kasiyahan ng anak niya ay ayaw niyang magtagpo ang landas ng anak niya at ng binata kahit nagtagpo na ang dalawa noong nawala ang anak sa grocery store. Ayaw na niyang mangyari ulit iyon. Ayaw na niyang magtagpo ulit ang landas ng dalawa kahit dapat naman talaga.

Hindi man naghahanap ang anak niya ay alam niyang gusto nitong makita ang sariling ama. Sa tuwing magtatanong ito sa kanya noon ay si Asher ang laging sumasalo sa eksplenasyon niya. Sinasabi nitong nagta-trabaho ang ama nito. Masakit sa damdaming kimkimin ng anak niya ang pangungulila sa sariling ama ngunit sa tuwing sinusubukan niyang magsalita tungkol sa ama nito ay napipipian siya kapag nasa harap na siya ng anak. Kinakain siya ng takot. Siguro pagdating panahon ay maipapakilala na niya ito kay Kian. At sa panahong iyon ay may kaya na siyang ipaglaban ang anak kung susubukan ng binatang kunin ito sa kanya.

BILLIONAIRES 1: Secret and Lies (COMPLETED)Where stories live. Discover now