Chapter Seventeen

2.6K 86 2
                                    

Chapter 17

"KIAN?" Tawag niya sa atensyon ng binata na nagsasalita. Wala siyang choice kundi ang sumama dito dahil ang malandi niyang baklang kaibigan ay iniwan siya sa hospital!

"Yes, baby?" Bahagya siya nitong binalingan.

"Tatahimik ka o tatama sa mukha mo ang kamao ko?" Pagpapili niya dito habang pinapakita niya ang kamao dito.

Agad na ngumiwi ito at ibinalik ang tingin sa dinadaanan nila. "I'm shutting up na, baby. Don't punch your—"

"Hindi ka atalaga matatahimik?" Pigil niya dito sa papuputak nito. "Good." Dagdag niya pa ng hindi ng ito magsalita. Sa wakas ay matiwasay ang byahe nila patungo sa eskwalahan ng anak. Dahil kay Althea at Tita Esmeralda ay natagalan siya imbes na isang oras lang.

Sa kahit iilang oras na nakausap niya ang dalawa ay ang bilis na gumaan ng loob niya dito. Lahat ng mga kathang-isip niya sa ugali ng dalawa ay nagkamali siya. Malayong-malayo ang inaakala niya.

"Mommy! Daddy!" Matinis na sigaw ng anghel niya pagkalabas niya sa sa sasakyan ni Kian.

"Hi, baby! Kamusta ang school mo?" Tanong niya dito. Kasalukuyan siyang nakapantay ang tingin sa anak. Bakas dito ang saya at pawis. Agad na kinuha niya ang bag nito at saka kinuha ang damit na lagi niyang nilalagay para may maipapalit ito kapag basang-basa na ang damit dahil sa pawis. Madaling magka-rashes ang anak kaya niya ito tinuruang magdamit sa sarili dahil wala siya doon kapag napapawisan ito sa eskwelahan. "Bakit hindi ka nagpalit?" Dagdag niya at saka ito kinarga.

Ngumiti ang anak niya saka siya hinalikan sa pisngi. "Sorry, Mommy. Dumating na po kasi kayo kaya wala na po ako time mag palit." Desiree smiled cheekly dahilan para panggigilan niya ang malalaking pisngi nito.

"Hi, my princess!" Kumaway si Kian na nasa loob ng sasakyan.

"Hi, Daddy!" Kumaway pabalik ang anak bago sila sumakay sa front seat habang nasa kandungan niya ang anak. Pagkapasok ay inilagay niya sa likod ang bag nito at saka ito binihisan habang pinapausad na ni Kian ang sasakyan.

"How's school, princess? Did you did well?" Tanong ni Kian sa anak.

"Yes, Daddy! Pero po hindi na po ako nagpalagay ng stars sa hand ko po kasi sabi ni Mommy, baka may germs po iyon!" Ani ng kanyang anak habang pinupulbos-an niya ang likod nito.

Bahagya siyang binalingan ni Kian pero inirapan niya lang ito.

"Why? At saan na ang stars mo ngayon, princess?"

"Nasa notebook ko po, Daddy! Doon ko po pinalagay kay Teacher!"

Ngumiti si Kian at saka tumango-tango. Nagpatuloy ang pag-uusap ng mag-ama habang siya ay nakikinig lang. Sasagot kapag siya ang tinatanong ni Desiree. Sa tuwing susulyap sa kanya si Kian at kinikindatan, siya ay iniirapan niya ito at itinutuon ang tingin sa mga nadadaanan nila patungo sa village. Balak na ata na hindi sila pauwiin ni Brennon sa apartment nila kahit magpumilit pa siya. Wala rin naman siyang laban kapag ginagamit nito ang kanyang anak at ang kaligtasan nito. Her daughter's safety always comes first before hers.

"Let's talk on the rooftop later. Ralph found something." Agad na sabi ni Brennon ng makapasok sila sa mansyon nito.

Tumango siya at saka nagpaalam upang paliguan ang anak at pati narin siya.

After her bath together withher daughter, Kian knock onto their door and told them it's time to eat. Hindi niya inakalang ang bilis ng oras ngayon araw. Sabagay ay matagal rin naman nilang nalisan ang hospital kaya ng makarating sila dito sa mansyon ay nag-aagaw na ang liwanag at dilim. Ang buwan na tiyak na napakagandang pagmasdan mamaya dahil sa laki nito ay unti-unti naring lumilitaw.

BILLIONAIRES 1: Secret and Lies (COMPLETED)Where stories live. Discover now