Chapter Eight

2.5K 83 3
                                    

Chapter 8

"I'LL BE BACK!"

Ngiti at kaway ang isinagot niya sa binata bago ito tuluyang umalis ng mansyon sa isla.

Ramdam ng dalaga ang pusong nagmamahal ulit kahit anong pigil niya. Ilang ulit niya ng pinapaala sa sarili ang nakita ngunit kahit anong gawin niya ay hindi niya mapigilan ang mapaibig ulit.

Sa dalawang linggong pananatili nila dito sa isla ay mas nalalagay siya sa alanganin. It's been two weeks since that day when she saw her half sister. Hindi man niya ito nakita sa personal noon ay nakikita niya ang larawan nito sa magazine, tv at kalendaryo.

Isang kilalang negosyante ang kanilang ama sa industriya. At dahil isa ring sikat na aktres ang half sister ay mas nakilala pa ito. Aaminin nyang napakaganda nito kagaya ng ina nito ngunit ang isa niyang hindi masasabi ay kung mabait ito. Dahil halos lahat ng artista ay may itinatago.

Kinakailangan ng mga itong magpakabait sa harap ng camera ngunit kahit anong pilit ng mga artistang iyon na magpakabuti kung wala naman sila sa harap ng medya ay ang layo rin naman ng kanilang personality sa kung anong pinapakita nila sa iba.

Hindi niya masasabing mabait ito dahil hindi niya pa ito nakakausap sa personalan. Wala rin naman siyang nakikitang isyung kumakalat tungkol sa half sister niya.

Simula ng makita niya ang half sister noong nakaraan ay inaaamin niyang kinain siya ng takot ngunit mas nangibabaw ang hiya sa kanya. Kung hindi lang agad sila inanyayang magsisimula na ay paniguradong magkikita ang dalawa.

Hindi alam ni Kyla kung bakit may parte sa kanyang nagpapasalamat na hindi nagkatagpo ang dalawa dahilan para mas paalalahanan pa niya ang sarili sa nakita sa loob ng kwarto.

Kahit pilit niyang sinasaktan ang sarili para lang magising sa katotohanan ay hindi niya mapigilan. Hindi niya alam paano pigilan kung ang binata ay lagi niyang kasama.

Sa makalipas na dalawang linggo ay ang paghuhunos-dili ay hindi niya nagawa sapagkat isang halik lang ng binata ay nawawala na agad siya sa huwisyo kaya hindi na siya magugulat na pagkagising niya ay bumabalik sa kaniyang isip ang kahibangang ginagawa niya.

Gusto niyang pigilan ang sarili ngunit hindi niya magawa dahil sa isang iglap, nababasag agad 'yon ng binata. Na para bang alam nito na nagpipigil siya.

Sa makalipas na dalawang linggong kasama ang binata ay wala itong nababanggit tungkol sa mga ala-alang bumabalik dito. Gustuhin man niyang itanong dito kung may naalala na ba ito ay hindi niya nalang ginawa dahil ayaw niyang magtaka ito. Ang alam lang ni Kian ay nasa panahon silang sila pa. Ang alam nito ay nasa panahong sila pa na pitong taon na ang nakalipas sa panahon ngayon.

Matapos ng tawag nila ng kanyang anak ay napagdesisyonan ni Kyla ang magpahangin sa dalampasigan. Nag-iwan siya ng isang sulat na idinikit niya sa pinto na magpapahangin lang kung baka sakaling hanapin siya ni Kian.

Sa makalipas rin na dalawang linggo ay lagi siyang iniiwan ng binata at babalik makalipas ng isang oras o higit pa. Sa mga oras na iyon ay iginugugol-nililibang niya ang sarili sa paglilinis ng buong mansiyon at makipagtawagan sa kaibigan ngunit sa ganoong oras ay wala ang anak dahil nasa eskwela ito at hindi rin niya araw-araw na nakakausap ang bakla dahil may trabaho ito.

Ipinagsasalamat niyang masaya ang mga araw ng kaniyang anak na wala siya. Kahit papaano ay napapanatag siyang minsan nalang siya nitong hinahanap dahil sa dalawa at sa kanyang matalik na kaibigan.

Sa dalawang linggo niya rin ay mas namimiss niya lang ang anak kaya wala siyang ibang magawa kundi ang yakapin ang nag-iisang damit nito na dala niya at nakatago sa kanyang bagahi upang hindi makita ng binata.

BILLIONAIRES 1: Secret and Lies (COMPLETED)Where stories live. Discover now