Anthology | Capture the Flag 04: Loyalists and Traitors

17.9K 1.8K 4.8K
                                    

LORELEI

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

LORELEI

KUNG KANINA'y nasa labas kami para sa welcome remarks, ngayo'y pinapasok na kami sa cabin. We fell in line as we walked in. Pagpasok namin, namangha kami sa bumungad sa mga mata namin. We don't get to see a place like this every day. Mukhang well maintained ang loob at bagong renovate ang ilang parts nito. There's a stone fireplace at the back of the living room. I guess that's only for design since it doesn't snow here nor does the temperature drop so low.

The entrance hall was spacious enough to accommodate about thirty people. Nakalupong pa rin kami sa aming club. Wala akong napansin na kahit anong couch o mesa sa paligid. I looked down. Base sa skid marks sa sahig, mukhang may mga furniture na naka-arrange kamakailan dito, but they probably moved them somewhere else for this team building.

Ipinalagay muna ang mga gamit namin sa sulok bago kami ipinaupo sa gitna ng sahig. Nakaupo nang Indian style ang ilan sa amin habang ang iba'y naka-stretch ang mga paa.

Tumayo si Professor Morayta sa harapan ng fireplace. The student council officers and execom members stood on the side. "Ngayong nakapag-breakfast na ang lahat, sana'y may energy na kayo para sa ating activities!"

Nabusog kami sa boodle fight kanina kaya siguradong full of energy kami ngayon. Hindi ko lang alam kung nabusog din ba si Loki o kung na-enjoy niya ang kanyang pagkain dahil nahirapan siyang magkamay kanina.

Napatingin muna si Professor Morayta sa hawak niyang index card bago tumuloy. Bakit parang magkakaroon kami ng recitation dito? Sorry, nasanay na kasi ako sa gano'ng senaryo kapag nasa class kami. "We have four participating clubs for this team building session. Once your club is called, make your presence known. You can shout your club name or yell a cheer. Kayo na ang bahala. Ready?"

"Ano'ng sasabihin natin kapag tinawag na tayo?" bulong ko sa aking mga kasama. Hindi sa pagiging competitive, pero ayaw ko namang boring ang introduction namin.

"Why don't we just raise our hands?" Loki suggested, looking uninterested. He's up for the games, but he's not up for this?

"No!" pagtutol ni Jamie. Napalakas ang boses niya kaya napatingin tuloy sa kanya ang mga katabi namin. Nanliit siya sa kanyang puwesto at bumulong sa amin. "Kailangan sa roll call pa lang, kabugin na natin ang mga kalaban natin."

"Or we can boo our competitors?" Loki said in a matter of fact tone. No, that wouldn't do. Mas gugustuhin ko pa ang unang suggestion niya na itaas ang aming mga kamay. Gusto niyang magsimula ng gulo.

"Remember what we agreed on during the bus ride?" Alistair reminded him. Wala naman amnesia ang kausap niya, pero kinailangan pa niyang paalalahanan. "We're here for a healthy competition. No booings or insulting other clubs."

"Hey, I was just kidding," Loki replied. Parang 'di naman. Napakaseryoso ng boses niya, 'di mo mararamdamang nagbibiro siya. Kung pwede nga lang, baka binoo na niya ang ibang teams. "Can't you take a joke?"

Chronicles of the QED ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon