Anthology | Weekend Getaway 03: The Royal Chessmen

13.2K 1.4K 1.2K
                                    

A/N: This entry is a collaboration between yours truly and SarcasticGrey! Check out his stories!

A/N: This entry is a collaboration between yours truly and SarcasticGrey! Check out his stories!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ALISTAIR

DAHIL MAHABA-HABA at matagal-tagal pa ang aabutin ng biyahe namin, nakinig kami sa mga kantang pinatutugtog sa radyo. It would have been awkward if we were all silent inside the car. May times na inilipat ko ang radyo dahil 'di namin gusto ang pinapatugtog na kanta. Nakatulong ang music para mabawasan ang pagkabagot namin lalo na kapag naipit kami sa traffic.

Habang nakatigil ang kotse sa intersection at hinihintay ang traffic light na maging green, chineck ko kung kumusta ang aking mga kasama.

Lorelei was looking out of the car window, watching the city blur past as I drove again. Lagi siyang nakabantay sa side-view mirror, tinitingnan kung may bigla bang sumingit na sasakyan o safe na bang kumanan ako. She was also checking the GPS navigation map on her phone, making sure that we're not getting lost yet.

From time to time, Jamie was taking her phone out to record some videos of the places we've been driving past. Minsan nagtatanong siya sa akin kung nasaan na ba kami at inuulit niya sa kanyang video. Pangiti-ngiti siya sa harap ng camera na may halong hand gestures pa. Itinututok niya rin sa amin ang phone paminsan-minsan.

How about Loki? He's being his usual self throughout the drive, minding his own business. Tahimik siyang nakaupo sa kanyang puwesto habang nakapokus sa kanyang phone. He must be playing a puzzle game or watching a mystery-related video. I couldn't say if he's getting annoyed by Jamie pointing the camera at him. Wala naman siyang inirereklamo.

Dala ng matinding traffic at ng mga inaayos na kalsada sa expressway, inabot ng mahigit dalawang oras ang biyahe namin. The trip was only supposed to take less than an hour. Hindi ko inasahan ang iba pang factor sa biyahe na 'to. My fault for not checking the traffic situation when I left the condo. Since the nature park and resort was on the mountainside, I also had to drive the car along an inclined road.

"We're finally here," anunsyo ko nang makapasok na kami sa gate ng resort. I couldn't help but notice the chesspiece designs along the way.

Sumulyap ako sa rearview mirror para masilip kung kumusta ang dalawang kasama namin sa likuran. Lorelei kept herself awake during the ride as she helped me navigate our way here. Napansin kong nakatulog si Loki kaya't hindi niya namalayan na sumandig sa kanyang balikat ang ulo ni Jamie. Nakaidlip na pala ang dalawa.

"Nagpuyat ba si Loki kagabi?" tanong ko sabay sulyap sa aking katabi.

"You know him. He always stays up late to read a mystery novel or watch a true crime documentary on Netflix," sagot ni Lorelei. "Mukhang 'di rin agad nakatulog si Jamie kagabi sa sobrang excitement, ah? Tingnan mo, na-knockout na rin. Nakalimutan yata niyang nagre-record siya ng video para sa upcoming vlog niya."

Chronicles of the QED ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon