Anthology | Weekend Getaway 05: The Chess Riddle

14K 1.5K 3.8K
                                    

A/N: This is the last part of Alistair's entry. Up next is Loki's! This entry is a collaboration of yours truly and SarcasticGrey. Be sure to check out his stories!

 Be sure to check out his stories!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ALISTAIR

NGUMITI SI Jamie sa amin at naglakad palayo sa chess garden. Sandali kaming nagkapalitan ng tingin ni Lorelei at kapwa kami napakibit-balikat. Wala kaming choice kundi sundan ang kasama namin. Loki followed behind.

"So this is where you wanna do our brainstorming session?" tanong ni Lorelei.

Nakatayo kami sa tapat ng isang swimming pool. Kumpara sa karaniwang pool ng mga resort na napuntahan ko na noon, iba ang pagkakadisenyo nito. Parang may "natural" feeling ang dating nito. Parang magbababad ka talaga sa may spring o ilog sa may kabundukan dahil sa kulay ng mga batong ginamit bilang tiles at pavings.

"This is safe from eavesdropping!" Jamie stretched out her arms and twirled like a ballerina. "Wala sa ibang guest ang makaiisip na riddle ang pinag-uusapan natin habang nagre-relax tayo rito. Those who saw us in the chess garden will think we've already given up!"

"Bakit ang dating sa akin, gusto mo lang mag-swimming?" kunot-noong sabi ni Lorelei. Gano'n din ang naisip ko.

"Do you know the phrase 'hitting two birds with one stone'?" Huminto sa pag-ikot si Jamie, nakapamewang na humarap sa amin. "This is the exact definition of that expression! Come on! Gusto n'yo bang pag-usapan natin ang riddle sa mismong garden at sa presence ng iba pang guests? They might overhear us!"

"This might work as some kind of camouflage." Tumango ako. May pagka-exaggerated man ang strategy niya, naiintindihan ko kung bakit niya 'to pinipilit. Gusto niyang i-maximize ang time namin.

"Ang concern ko lang, kapag nakuha na natin ang passcode, kailangan nating umahon sa pool na 'to at maglakad pabalik sa garden nang basang-basa ang mga katawan natin." Iminosyon ni Lorelei ang kanyang kamay mula sa pool papunta sa dinaanan namin. "Baka madulas at maaksidente pa tayo. Mas ligtas kung malapit tayo sa safe para 'di na natin aalalahanin kung may mangyayari ba sa atin."

"Lori, we'll cross the bridge when we get there, okay?" Napaturo si Jamie sa tulay na hindi gano'n kalayo sa kinatatayuan namin. "Figuratively and literally kasi dumaan tayo sa isang man-made bridge para makarating dito. The point is, the relaxing environment might help us think! Mababawasan ang pressure sa mga sarili natin dahil hindi natin nakikita ang mga ka-kompetensya natin."

"Hindi naman kasi kailangang i-pressure ang mga sarili natin para sa game na 'to," tugon ni Lorelei. "This is just for fun, right? There's no need to take this seriously."

"We're here already so we might as well start discussing about the riddle instead of arguing whether it's okay to do it in the pool or not." Mamamagitan na sana ako sa dalawa, pero naunahan ako ni Loki na mukhang nababagot na.

Chronicles of the QED ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon