Anthology | Capture the Flag 11: Betrayal

14.8K 1.8K 3.2K
                                    

A/N: This is the last part of Lorelei's entry! Enjoy reading!

A/N: This is the last part of Lorelei's entry! Enjoy reading!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

LORELEI

I HAD a good sleep last night. Kahit na wala ako sa comfort ng aking higaan, hindi ako naalimpungatan sa kalagitnaan ng gabi. Papasikat na ang araw nang mamulat ang aking mga mata. Wala pa yatang nagigising sa amin.

Gusto ko pa sanang matulog, but Jamie's snores coming from my left would not let me fall asleep again. Ilang beses kong niyugyog ang tulog-mantika kong katabi. Kahit gaano kalakas ang yugyog ko, walang epekto sa kanya. I sighed and turned to my right. Nakakapanibago. Mahimbing din ang tulog ni Loki na bahagyang nakabukas ang bibig. Lagi kasi siyang nauunang magising kaysa sa akin.

Dahil nawala na ang aking antok, bumangon na ako at chineck ang iba pa naming kasama. Natutulog pa rin si Alistair na diretso ang pagkakahiga. Iginala ko pa ang aking tingin sa kanyang kanan. I saw an empty sleeping bag.

Teka, nasaan sina Luthor at Rye? Maaga ba silang nagising?

Lumabas ako ng tent. I shaded my eyes against the rising sun outside, scanning the surroundings. Wala akong ibang nakita kundi ang campfire na binuhusan namin ng buhangin para patayin at ang nakabukas na portalet.

Where are they? Pumunta ba sila sa kakahuyan para mamitas ng prutas o sa ilog para manghuli ng isda? I don't think so. Luthor would not think of doing any legwork this early. May pag-asa pa na si Rye ang naghahanap ng makakain sa mga sandaling 'to.

Maybe they sneaked into another camp to steal a flag or supplies? As our strategist, Luthor may have thought that this was the perfect opportunity. Tulog pa rin siguro ang members ng ibang team.

Flag? Flag! Teka, nasaan na ang mga bandera namin?

Nagmadaling akong pumasok ng tent at iginala ang aking mga mata. Sa pagkakatanda ko, nasa side nina Alistair at Luthor ang dalawang flags namin. We put them there because we thought they'd be more secured there.

But the flags were nowhere to be found. Tiningnan ko ang bawat sulok ng tent. Pero ni stick o anino ng mga bandera namin, wala akong napansin.

Uh-oh. Doon na ako kinutuban. Hindi pa nga ako nagkakape ngayong umaga pero feeling ko'y nagpa-palpitate na ako.

Isa-isa kong niyugyog ang mga kasama ko. Alistair was first to open his eyes and asked what was going on. Sunod na nagising si Loki na noong una'y itinaboy ang kamay ko. Jamie finally woke up after I tickled her.

Ayaw kong istorbohin ang kanilang tulog, pero may emergency kami. Ayaw ko ring mag-assume kung bakit wala sina Luthor at Rye sa kampo namin, pero hindi ko mapigilang i-entertain ang idea.

"I knew it!" Loki exclaimed as he was poking the empty sleeping bag of his brother with a stick. "We shouldn't have trusted that person! They were on this flag heist together!"

Chronicles of the QED ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon