5

40.5K 1.1K 219
                                    

"NAKS, bongga ka talaga mister mayor ha? May pa contract signing ka pa." nakangiting saad ni Solar kay Rigel. Nang bumisita kasi sa kanila ang lalaki, isinama niya ito sa flower farm nila para masinsinan silang makapag-usap tungkol sa gagawin nilang pagpapanggap.

"Gusto ko lang kasi na nasa legal process ang lahat. Tsaka non-disclosure agreement lang naman yung isa dyan." sagot naman nito. Matapos niya basahin at pirmahan ang kontrata nila, ibinalik na niya iyon sa lalaki.

Sabagay, tama rin ang lalaki, mabuti na rin yung may kontrata sila, baka mamaya hindi siya nito bayaran eh.

Idinipa niya ang mga kamay at pabagsak na humiga sa bermuda grass kung saan sila nakaupo. Ipinikit niya ang mga mata at sinamyo ang preskong simoy ng hangin sa paligid.

"Ayan, girlfriend mo na ako. Ngayon, paano ang magiging set-up natin?" ani niya dito.

"You will come or visit me at the city hall para makita ng ibang tao na may nobya na ako. Isasama rin kita sa mga ilang social gatherings. Don't worry, ako na ang bahala sa press. I won't let them hurt you or invade your privacy, ako na ang bahala doon."

"Good. Pero sana, itong deal natin huwag na makarating sa Papsi ko ha?"

"Of course."

"Kailan pala tayo magsisimula ng deal natin?" tinaasan niya ito ng kilay nang mahuli niya ang lalaki na hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa.

"We need to change your style a little bit. Don't get me wrong, i love the way who you are but baka hindi maniwala ang ibang tao na girlfriend kita." napangiwi siya nang mapagtanto ang sinabi nito.

May point naman ang lalaki. Wala ngang maniniwala na girlfriend siya nito sa ayos pa lang niya. Eh mukha kasing mas lalaki pa siya kay Rigel. "Anong gagawin ko eh ganito lahat ng damit ko? Komportable ako sa ganitong klase ng mga damit."

"Stand up, come with me."

"Huh? Saan tayo pupunta?" naguguluhan niyang tanong dito.

"Bibigyan kita ng make-over!" napangisi tuloy siya. Bongga ang bakla! Papapel pa atang fairy-gay-mother niya!

--

"MISTER mayor! Sigurado ka na talaga? Dito tayo mamimili ng mga damit? Ang mamahal ng mga presyo ng damit dyan!" paasik na saad ni Solar kay Rigel. Hila pa nito ang braso niya papasok ng boutique.

"Lower down your voice, mon ètoile. Masisira ang disguise ko sa lakas ng boses mo. And besides, it's part of our deal kaya makipag cooperate ka na lang." inayos nito ang suot na baseball cap, hoodie at shades saka siya muling hinila sa boutique.

Iyon daw ang disguise nito. Agad naman niyang natutop ang sariling bibig. She checked kung may ibang nakarinig sa kaniya. Mahirap na, baka pagkaguluhan ito sa mall. Mukhang sikat pa naman ang lalaki. Mabulilyaso pa ang deal nila.

Sinalubong naman agad sila ng attendant at itinuro nito ang mga damit sinabi ng binata. Ito pa mismo ang namili ng mga damit na para sa kanya."Here, you should try those dresses, I'm sure bagay ang mga iyan sa iyo."

Pasimple niyang tinignan ang mga price stag ng mga damit at halos mamutla siya sa presyo ng mga iyon. "Sobrang mahal naman ng mga ito! Sa ukay-ukay na lang tayo mamili, mas mura pa doon." Susmiyo, halos umabot sa sampung libo ang isang dress, mas ayos pa sa ukay-ukay mas mura. Pare-parehas lang naman ang mga iyon na gawa sa tela.

"Dito tayo mamimili. Mas magaganda ang mga qualities ng mga damit nila dito."

Pinameywangan niya ang lalaki. "Bakit? Ikaw ba ang magsusuot?"

"Bakit? Ikaw ba ang magbabayad?" aba, aba! At ginagaya pa siya ng bruha! Wala siyang nagawa kundi kunin ang mga dress na gusto nitong isukat niya.

"Intayin mo ako dito. Gago ka, subukan mo lang na iwan ako dito, uubusin ko lahat ng buhok sa katawan mo!" iyon pa ang isa sa ikinababahala niya, baka kasi mamaya, pinagti trip-an lang siya ng lalaki at iwan siya nito doon. Wala pa naman siyang dalang pera.

NefariousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon