9

36.2K 1.3K 153
                                    

GIGIL na ginulo ni Solar ang sariling buhok dahil sa sobrang inis. Paano ba naman kasi, hindi mawaglit sa utak niya ang ginawang paghalik ni Rigel sa kanya noong nagdaang gabi.

Shet. First kiss niya yun ha!

Naguguluhan tuloy siya, halos bombahin na ng mga samu't-saring tanong ang utak niya. Hindi rin siya nakatulog ng maayos kagabi. Kapag kasi pumipikit siya, yung eksena sa kotse nito bago siya bumaba ang nakikita niya. Para ring nararamdaman pa niya ang malambot na labi nito na nakalapat sa labi niya.

Diba bakla si Rigel? Pero bakit naman siya nito hinalikan? Nakakaloka.

Wala sa sariling dinama ni Solar ang sariling labi. Saka niya naalala ang labi ni Rigel. Napakalambot non, mabango rin ang hininga ng lalaki. Napangiwi siya, kung anu-ano pa naman ang kinain nila kagabi, baka bad breath siya! Nakakahiya!

Teka, bakit naman siya mahihiya sa lalaki? In the first place, ito dapat ang mahiya sa kanya dahil bigla na lang siyang hinalikan nito!

Napasinghap na lang siya nang may tumamang tubig sa mukha niya. Nakita niya ang kuya Emil niya na nakangisi sa kanya habang hawak ang hose ng tubig. "Kuya Emil! Bakit mo ako binasa?" sigaw niya sa lalaki.

"Eh paano naman kasi bunso, kanina ka pa tulala diyan. Kanina pa rin puno iyang tubig sa timba at kanina ka pa namin tinatawag. Bakit ka ba kasi tulala?"

"H-ha? Wala." binuhat niya ang timba sa likod ng sasakyan na nililinis niya. Ang kuya Emil naman niya ay sinundan siya at patuloy na kinulit.

"Yung totoo, bunso? May problema ka ba? May umaway ba sayo? Magsabi ka lang sa amin at reresbakan namin para sayo."

"Wala nga kuya, ang kulit kulit mo." nakangiting ipinatong nito ang kamay sa ibabaw ng ulo niya, pinantay nito ang mukha sa tapat ng mukha niya.

"Basta ha, kapag may problema huwag ka mahihiya magsabi sa amin ha?" tumango na lang siya sa kuya Emil niya. Kahit na tauhan niya ang lalaki sa car wash shop nila, itinuturing na rin niya itong parang nakakatanda niyang kapatid. Ganoon din sa ibang tauhan nila.

Nasa kalagitnaan siya ng paglilinis ng sasakyan nang may kumalabit sa kanya. Halos manlaki ang mga mata niya sa tuwa nang makita kung sino iyon. "Mikoy!"

"Kamusta ka na, Solar?" nakangiting bati ng lalaki sa kanya. Tinawag niya ang isang tauhan nila sa carwash shop para ipagpatuloy ang ginagawa niya.

"Ako nga dapat ang magtanong sayo niyan. Kamusta ang America? Ang pogi mo na ha?" kababata niya kasi ang lalaki. Mas matanda lang ito sa kanya ng limang taon. Halos ilang taon din kasing itong nawala dahil nag-aral ito ng medisina sa America.

Nilinis muna niya ang kamay saka inaya ang lalaki na maupo sa waiting area ng carwash shop nila. "Ayon, America pa rin. It's been a long time huh? Ang laki na rin ng ipinagbago mo, mas lalo ka gumanda."

Pabirong tinapik niya ang kaibigan sa braso nito. "Aba, bolero ka pa rin. For sure marami ka nang naloko na chika babes doon sa US."

"Unfortunately, wala nga eh. Wala akong ibang babae na natipuhan doon, busy ako sa pag-aaral. At isa pa, nandito kasi sa Pilipinas yung chika babes na gusto ko."

"Nga pala, bakit ka pala nandito? Kailan ka pa umuwi?"

"Kakadating ko lang kahapon, sa bahay niyo nga ako dumiretso kagabi kaya lang wala ka. May pinuntahan ka raw sabi ng Papsi mo. Pinasalubungan pala kita ng chocolates."

"Wow!" sabik na tinanggap niya ang paper bag na hindi niya napansin na bitbit pala nito. Nang silipin niya ay halos manubig ang bagang niya dahil halos mapuno ang bag ng iba't-ibang klase ng chocolates. "Thank you ha? Sandali lang ilalagay ko lang sa ref ito baka kasi matunaw. Ikukuha na rin kita ng juice."

NefariousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon