21

34.5K 935 133
                                    

"SINADYA po na sunugin yung flower farm nyo, Miss Alvaez, buti na lang at wala doon ang mag-asawang matanda na caretaker kaya hindi sila nasaktan sa sunog. Babalik na lang po kami kapag nakakalap na kami ng ebidensya na maaring magturo sa suspect."

"Salamat po, officer." tumango lang ang mga pulis kay Solar bago ang mga ito umalis. Pumasok siya sa private suite ng ama niya kung saan ito naka admit. Doon agad siya sa ospital dumiretso matapos niya makipag-usap kay Rigel.

Kahit mabigat pa rin ang loob niya sa pagkasunog ng flower farm nila, thankful na rin siya dahil walang ibang nasaktan, lalo na ang dalawang matanda na caretaker doon na ang ninang Sita at ninong Anton niya.

Buti na lang talaga at magkasamang pumunta sa bayan ang dalawang matanda para magsupply ng mga bulaklak nang mga oras na nangyari ang sunog, kundi hindi talaga kakayanin ng konsensya niya kapag may masamang nangyri sa mga ito.

"Inumin mo muna itong kape, bumili rin ako ng cup noodles. Kumain ka muna, kagabi ka pa walang tulog at kain kakabantay kay Tito Santi." ani ng kuya Emil niya. Napilitan naman siyang tinanggap ang baso ng kape na iniaalok nito.

Sa awa ng Diyos, nasa mabuting kalagayan ang Papsi niya. Nahimatay lang daw ito sabi ng doktor dahil sa sobrang tensyon pero mas minabuti niyang i-confine ang ama para mas maobserbahan ang kalusugan nito ng mabuti.

"Gusto mo bang umuwi muna para matulog? Ako muna ang magbabantay dito kay Tito." tanong ng kuya Emil niya. Umiling siya.

"Hindi na kuya. Dito lang ako. Ikaw na lang muna ang umuwi, kayo na lang din muna ang bahala sa carwash shop hanggang sa makauwi kami ni Papsi."

"Sige, pero papapuntahin ko dito si Omar para may kasama ka. Magpapadala ako ng damit mo pamalit. Babalik na lang ako mamayang hapon." niyakap niya ang lalaki. Sobrang thankful talaga siya sa mga kasamahan niya sa carwash shop sa pag-alalay sa kanilang mag-ama.

"Thank you, kuya." pabirong pinisil naman nito ang pisngi niya.

"Wala iyon, bunso. Matulog ka ha? Kahit dyan lang sa bangko, kami ang malalagot kay tito Santi niyan kapag sayo naman may masamang nangyari." inihatid niya sa labas ng pintuan ang kuya Emil niya. Niyakap pa niya ulit ito bago ito tuluyang umalis.

She saw Rigel sitting at the bench outside his father private suite. Masama ang tingin nito sa kanya, lalo na sa kuya Emil niya.

"I really hate it when some other guys hug or touch you." malamig na saad nito nang makalapit sa kanya. Hindi na niya ito dapat papansin, papasok na dapat siya ulit sa loob ng pigilan nito ang braso niya.

"Ano ba?! Bakit ka ba nandito?! " angil niya sa lalaki. Hininaan niya lang ang boses pero madiin iyon. Ayaw niya ng eskandalo. Marahas na tinanggal niya ang pagkakahawak nito sa braso niya.

"I'm here because I want to make sure if tito Santi's alright, and I also came here to see you."

Pagak siyang tumawa. "Makakahinga ka na ng maluwag dahil ayos lang ang Papsi ko, at heto, nakita mo na ako, so siguro naman pwede ka na umalis. At please, huwag na huwag ka ng magpapakita sa akin dahil tinatapos ko na ang lahat ng mayroon tayo. Oh wait, meron ba o palabas lang ang lahat ng iyon?"

Muli nitong hinila siya at mariing ikinulong siya sa loob ng bisig nito. Nahampas niya tuloy ito sa balikat sa gulat. Bwiset talaga, buti na lang at walang gaanong dumadaan sa parte na iyon ng ospital kung hindi abot langit na kahihiyan ang aabutin niya.

"As if papayag ako. Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na akin ka lang?"

"Demonyo ka talagang hayop ka. Hindi mo ako pag-aari! Bitawan mo ako!" he laughed to her sarcastically. At ayun, sumilay na naman ang mala demonyo nitong ngiti na parang may masamang binabalak.

NefariousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon