15

38.2K 1K 62
                                    

"WOW! Ang lawak pala nitong racing track mo! Sabihin mo nga sa akin, gaano ka ba talaga kayaman?" hindi mapigilan ni Solar ang mamangha habang inililibot niya ng tingin ang racing track ni Rigel.

As usual, free time raw nito kaya niyaya na naman siya nito mag-date. Hindi siya nito tinantanan sa kakakulit na sumama kaya pumayag na rin siya. Gusto rin naman kasi niya itong makasama.

"Actually, magka share kami ng kapatid kong si Castor sa pagpapagawa nito. Ako lang ang nag-conceptualize ng buong lugar. At isa pa, I also have my own businesses. May mga stock shares din ako sa mga company ng mga kapatid ko kaya walang problema sa akin ang pera."

Ngumisi siya sa lalaki ng may maisip siyang kalokohan. "Sige nga, bilhan mo nga ako ng sports car, gusto ko katulad nung Lamborghini mo."

Inilabas naman ng lalaki ang cellphone nito. "Sure, tatawagan ko agad si Tyrone para ibili ka. Ano bang gusto mong kulay?"

Maagap naman na inagaw niya ang cellphone nito. Siraulo talaga, hindi ba ito maka sense kung nagjo-joke siya o hindi? Kaloka. "Nagbibiro lang ako! Gago ka talaga. Lahat ba ng sasabihin ko na gawin mo susundin mo?"

He just shrugged off his shoulders. Saka nito ipinaikot ang isang kamay sa bewang niya. "Yes. I'm willing to do everything for you. Maliban na lang kung gusto mo nang makipaghiwalay sa akin. Iyon ang hindi ko maibibigay para sayo."

"Ay ewan ko sayo. Tara na nga, ilibot mo ako dito sa race track mo." corny na o cheesy man ang sinabi nito pero kinikilig siya! Ang tindi talaga magpakilig ng mister mayor niya.

Magka-holding hands na inilibot siya ni Rigel sa buong lugar. Para nga itong tour guide dahil kada tanong niya tungkol sa isang bagay, ipinapaliwanag naman agad nito.

"I treat this place as my safe haven. Whenever I'm stress or wanted to be alone dito lang ako pumupunta. Halika, I will show you something."

Hinila siya ng binata sa isang building. Bumaba sila sa isang hagdan at nang makarating sila sa isang pinto, may pinindot itong parang password para bumukas ang pintuan.

Mas lalo siyang na-amazed nang pindutin ni Rigel ang switch ng ilaw dahil tumambad sa kanya ang napakaraming uri at klase ng kotse. At take note, puro high class na brand pa ang mga iyon.

"A-alin ang sayo diyan?" tanong niya sa lalaki.

"All." parang balewala naman nitong sagot. She went awe in that moment. Shock and amazed was understatement.

Dahan-dahan siyang humakbang palapit sa mga sasakyan. Para siyang bata na nakakita ng laruan sa isang mall na nakapukaw ng atensyon niya. Napaigtad na lang siya ng yakapin siya ni Rigel mula sa kanyang likod.

She can feel his hot breath to her ears. Tinataniman nito ng maliliit na halik ang tenga niya. "Gusto mo ba na mag-race tayo, mon ètoile?"

Napaharap siya sa binata. "Sigurado ka?" he chuckled and steal a quick kiss to her lips. Pinisil pa nito ang pisngi niya.

"Yes. You can choose whatever car you want to drive. Pero para mas exciting, let's have a bet."

Pinaningkitan niya ito ng mga mata ng may ma sense siyang kakaiba sa ngiti nito. Mukhang may pinaplano ang hudyo.

"At ano naman iyon?"

"Kung sino ang matatalo, iga-grant niya ang isang wish na hihilingin ng mananalo. Ano, deal?" inilahad ni Rigel ang kamay nito sa kanya.

Nakangisi naman niya iyong tinanggap. "Deal." mas lalo namang lumawak ang pagkakangisi ng lalaki. Huh, akala ba nito magpapatalo siya? No way. Kapag nanalo siya, sisiguraduhin niya talaga na papahirapan niya ito sa hihilingin niya.

NefariousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon