6

38.1K 1.1K 70
                                    

"ANAK, sasali ka ba ng beauty pageant? Aba eh kanina pa ako nahihilo sa kapari parito mo suot iyang heels na iyan." tinignan ni Solar ang Papsi niya bago pabagsak na umupo siya sa sofa nila. Tinanggal niya ang suot na high heel shoes na binili para sa kanya ni Rigel.

Nagpa practice kasi siya na gamitin iyon para naman kapag suot na niya, hindi na siya matatapilok. Dyahe kapag nadapa siya noh. Ayaw niya mapahiya.

"Kanino ba galing iyang mga sapatos na iyan? Mukhang mamahalin at bago pa ah." sabi pa ng Papsi niya.

"Pinahiram lang po sa akin ni Rigel, Papsi. Naghahanap kasi ng model yung kaibigan niya ng model ng mga sapatos, eh nagandahan ata sa paa ko kaya iyon, baka daw kunin akong model." She crossed her fingers. Hindi pa naman siya sanay magsinungaling sa Papsi niya.

"Naku, mukha close na kayo ni Rigel ah. Magiging first lady na ba ang unica hija ko?"

Napahagikgik na lang si Solar sa sinabi ng ama. "Papsi, comedian ka talaga noh? First lady ka dyan, eh malansa ang dugo ng Rigel na yun. Atsaka friends po kami, tropa-tropa lang po, ganun."

Napakunot-noo naman ang ama niya. "Anong ibig mong sabihin, anak? Kailan ka ba magpapakilala ng nobyo mo sa akin?"

"Papsi, darating din tayo dyan. Bata pa naman ako eh, hindi ko pa iniisip ang mga bagay na iyan." Susmiyo, bente anyos pa lang siya. Wala pa sa isip niya iyang mga boyfriend boyfriend na iyan. Hindi naman siya nagmamadali.

Napangiwi siya nang bumuntong hininga ang Papsi niya, inilapag nito ang hawak na tasa ng kape sa center table saka ito tumabi sa kanya. "Solar anak.."

Naku po, eto na naman ang Papsi niya. Panigurado manenermon na naman ito. Makakatikim na naman siya ng words of wisdom mula dito. "Hindi naman sa itinutulak na kita makipagrelasyon anak, alam kong bata ka pa, pero--"

Parang nag-awitan ang mga anghel sa langit nang mag ring ang cellphone niya, napangiti siya nang makita ang pangalan ni Rigel sa screen ng phone niya, tumatawag ito.

Agad siyang tumayo at madaling kinuha ang cellphone niya. "Taympers muna po Papsi, sasagutin ko lang itong tawag ni bespren. Sige po." she gave her father a quick kiss to his cheek, nagmamadali niyang kinuha ang mga sapatos na isinukat niya saka siya kumaripas ng akyat papunta sa kuwarto niya.

Hay, saved by the bell. Mahahalikan niya talaga ang baklang iyon kapag nakita niya eh. "Hello mister mayor." bati niya sa lalaki nang maiangat niya ang tawag.

"Solar? Can you come here at kapitolyo later? Lunch time sana. I need you here." oh, mukhang uumpisahan na nila ang deal nila.

"Sure. No problem." magbibilin na lang muna siya sa kuya Emil niya tungkol sa carwash shop para mamaya. Hindi na niya inantay pa ang sasabihin ni Rigel at agad niya itong binabaan ng tawag. Dali-dali siyang naligo.

Matapos niya maligo at magbihis, bitbit niya pababa ang backpack na naglalaman ng damit na binili para sa kanya ni Rigel. Sa mall na lang siguro siya magpapalit ng damit, baka kasi magtaka ang Papsi niya kapag nakita siya nitong nakadress.

--

NAGPAHID ng kaunting liptint sa labi niya si Solar bago siya lumabas mula sa Pajero niya. Kailangan kasi niya non para sa pagpapanggap nila para magmukha naman siyang babae. She confidently walk inside Manila city hall. Nakasuot na siya ng isang light brown na dress na hanggang ibabaw ng mga hita niya ang haba at high heeled shoes na kakulay ng damit niya.

Worth it naman ang katakot-takot na pagpapasalon at spa sa kanya ni Rigel. Kahit papaano nagmukha siyang tao.

"Miss Solar?" napalingon siya sa kanyang likuran nang makita doon si Tyrone, ang assistant slash bodyguard ni Rigel. Napangisi rin siya nang maalalang ito rin ang secret lover ng binata.

NefariousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon