18

35.2K 1K 50
                                    

ISANG linggo. Nagtataka si Solar kung bakit halos isang linggo na na hindi nagpapakita sa kanya si Rigel. Ni paramdam sa text bibihira. Nanibago tuloy siya bigla.

Iniisip lang niya na baka busy ang lalaki sa kapitolyo, mayor ito kaya malamang hindi talaga maiiwasan na busy ito sa ibang bagay.

Kaya siya, imbes mag-isip ng kung anu-ano, inabala na lang niya ang sarili sa carwash shop nila at pagtulong sa Papsi niya sa flower shop.

Matapos niya uminom ng tubig, inilagay niya ang baso na ginamit sa lababo at saka siya lumabas ng kusina nila. Kinuha niya ang susi ng bahay nila, babalik na kasi siya sa carwash shop. Umuwi lang siya sandali para kumain ng tanghalian.

Papalabas na siya ng bahay nila ng makita niya ang isang bisita na hindi niya inaasahan na pupunta sa bahay nila.

"At last, I found where you are. Akala ko pa naman sa isang exclusive subdivision ka nakatira, I expected a lot, you know? Masyado ka talagang plain at simple. You know what? Hanggang ngayon, I'm still wondering kung ano ba ang nagustuhan sayo ni Rigel."

"Mag-ingat ka sa pananalita mong bruha ka, baka nakakalimutan mo nasa teritoryo kita." inis na sabi niya kay Stacey.

Panira ng araw. Mukhang malaki talaga ang inggit sa kanya ng babaita at inalam pa talaga kung saan siya nakatira. Nag-effort talaga ang gaga.

Kulang pa ata ang salitang inis nang nanunuyang tumawa pa ang babae. "Chill. Hindi naman ako nandito para makipag-away sayo, I'm here as a friend."

"Alam mo Stacey, wala akong panahon makipag plastikan sayo ha. Kung may sasabihin ka, sabihin mo na kasi wala naman akong pakialam kahit ano pa ang sabihin mo."

Tinaasan siya ng kilay ng babae. "Kahit pa tungkol kay Rigel yung sasabihin ko tungkol sayo?" doon siya natigilan. Seems like she got her there.

"Okay, fine. Anong tungkol kay Rigel?" for once, papatulan niya ang kagagahan nito dahil curious siya.

Sa halip na sagutin ang tanong niya, tumingin ito sa wristwatch na suot nito saka muling tumingin sa kanya. "Oh, it's time. Turn on your television now, channel eleven. Siguro naman may television kayo diba?"

Bruha talaga. As if naman na hindi nila afford bumili ng TV? Kaunti na lang talaga mapipigti na ang pisi ng pagtitimpi niya sa babae.

Inirapan siya si Stacey at pumasok ulit siya sa bahay nila, sumunod naman ito sa kanya. Sa hindi malamang dahilan, bigla siyang nakaramdam ng kaba habang binubuksan niya ang TV nila at inilipat sa chanel na sinabi nito.

And she was stunned when she saw Rigel on the television, at may kasama itong ibang babae sa tila showbiz balita na segment.

They look so good together. Sobrang ganda ng babaeng kasama nito. Nakunan pa ng maikling clip video ang dalawa sa isang resturant habang kumakain. Mukha pang masaya ang dalawa dahil nagtatawanan pa ang mga ito. Hindi maipagkakaila na close ang dalawa.

"That woman? That's Josephine Aguilar, ang alam ko top ramp model siya from states. It's been one week nang simulang kitain ni Rigel ang babaeng yun." dinig niyang sabi ni Stacey sa likod niya. "Poor you, mukhang pinaglalaruan ka lang ni Rigel like me, dear."

Sinamaan niya ng tingin si Stacey. "Like you?"

"Yes. Bakit? Sa tingin mo hahabulin ko si Rigel kung walang namamagitan sa amin? Mukhang hindi mo ata talaga kilala si Rigel. He's just using us dahil siguro sa Josephine na iyan! He's still a man, he has needs, sexual needs kaya siguro habang wala pa ang Josephine na iyon, he tried to divert his attention to someone else--"

"Tama na!" bwisit. Alam niyang may posibilidad na nagsisinungaling ito at maaari ring hindi pero bakit ganoon? Bakit nasasaktan siya?

"Hanggang sa bumalik ulit ang Josephine na iyon! Wake up, Solar! He's just using you! Kung ayaw mong maniwala sa akin, edi huwag. Basta hindi ako nagkulang ng paalala sayo."

NefariousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon