20

35.4K 972 46
                                    

NAIINIS na humiga si Solar sa sofa sa loob ng opisina ni Rigel. Hindi niya pinansin ang lalaki dahil bwisit siya dito. Paano ba naman, ang aga-aga siyang sinundo sa bahay nila tapos ibuburo lang pala siya nito doon sa loob ng opisina nito habang abala ito sa trabaho nito.

Gago talaga. Kung hindi lang talaga siya natakot sa banta nito tungkol sa trabaho ni Mikoy hindi pa siya talaga makikipag-ayos dito.

And speaking of Mikoy, marami na siyang ihihingi ng tawad sa kaibigan niyang iyon dahil sa kagagawan ni Rigel.

Her cheeks reddened when she remembered the erotic scene that happened between her and Rigel sa banyo ng carwash shop nila. Sobrang nakakahiya talaga. Susme, buti na lang talaga at tanghali na pumasok ang iba niyang kasamahan sa carwash shop kundi baka nahuli na sila kahapon ni Rigel na gumagawa ng kababalaghan doon sa banyo.

Nakakainis, bakit ba kasi ang rupok niya?

"Mon ètoile, do you want to eat something? Magpapabili ako kay Tyrone." untag sa kanya ni Rigel. Parang may bipolar talaga ang kumag.

Ang bait bait sa harap ng Papsi niya, tapos noong silang dalawa na lang kanina nagsusuplado ito at todo pagbabanta pa sa kanya para lang sumama siya dito tapos ngayon sobrang sweet.

Minsan talaga napapaisip siya sa attitude nito. Lalo na at napapansin niya na mas naging possessive at clingy sa kanya ang lalaki kahit nasa public place man sila. Oo, possessive at clingy na ito noon pero mas dumoble iyon ngayon.

She rolled her eyes, hindi niya pinansin ang lalaki at itinuon lang ang atensyon niya sa cellphone niya. Naiinis pa rin talaga siya dito.

"Aster Solar, huwag mong intayin na basagin ko iyang cellphone mo. I want your full attention to me."

Padarag na umayos siya ng upo at mas lalong sinamaan ng tingin ang lalaki. "Napakagago mo talaga. Naiinis na talaga ako sayo ha?! Bakit mo pa kasi ako isinama dito? Anong gagawin ko dito? Tititigan ka maghapon?!"

"Isinama kita para mabantayan kita, ayokong makita ka na nilalapitan ng kung sinu-sinong lalaki."

Parang sumakit ang ulo niya. Nakakaimbyera! Issue pa pala nito hanggang ngayon yung nakita nitong kasama niya si Mikoy sa tapat ng carwash shop nila?

"Wow ha? Hindi naman ako malandi katulad ng mga naging babae mo, kaibigan ko yung nga kung sinu-sinong lalaki na sinasabi mo at isa pa, sino ba ang nahuli pa sa camera na may kalantaring ibang babae? Ako ba?"

"I already explained that issue to you."

"So am I!" hindi na talaga niya napigilang magtaas ng boses. Mariin siyang pumikit at huminga ng malalim, she stand up from sofa, nagsimula siyang maglakad papunta sa pintuan ng opisina nito.

"And where the hell are you going?" tanong sa kanya ni Rigel. Huminto siya sa pagpihit ng doorknob at nilingon ito.

"Magpapahangin lang ako sa labas, don't worry babalik din ako." hindi na niya hinintay pa ang sagot nito at tuluyan na siyang lumabas ng opisina nito. Tinalunton niya ang hagdan, bumaba siya, ang alam niya kasi may mini garden sa likod ng kapitolyo doon. Doon siya pupunta kahit saglit.

Parang nasu-suffocate siya at mas lalo siyang nai-stress kapag nakipagsagutan pa siya sa binata. Kailangan niya muna mag cool down. Ceasefire muna.

Hindi naman siya nahirapang mahanap ang mini garden. Sakto pa na walang gaanong tao sa lugar na iyon at malamig pa ang simoy ng hangin kaya medyo na relax na siya.

She ignored Rigel's text messages pati mga tawag nito. Sigurado naman siya na itatanong lang nito kung nasaang lupalop na siya.

Kalahating oras din siguro siya nagpalipas ng oras doon bago siya nag decide na pumasok ulit sa loob ng munisipyo para bumalik sa opisina ni Rigel.

NefariousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon