8

35.6K 1.2K 49
                                    

"SAAN na tayo pupunta ngayon?" tanong ni Solar kay Rigel habang nagmamaneho ang binata. Pagkatapos kasi ng yakapan session nila kanina, umalis na talaga sila sa lugar na pinagdausan ng charity ball.

"Ihahatid na kita pauwi." sagot ng lalaki sa kanya. Sinulyapan niya ang oras sa cellphone niya. Alas-diyes pa lang ng gabi at wala pa siya sa mood umuwi dahil gutom siya.

Kakabwiset naman kasi ang Stacey na iyon, masyadong pabibo ang gaga. Ang hilig umeksena. Hindi tuloy sila nakakain sa party ni Rigel.

"Mamaya na, maaga pa naman. Kumain muna tayo, nagugutom na ako eh. Hindi ako nakakain doon sa party."

"Saan mo ba gusto kumain?" luminga naman siya sa dinadaanan nila. Tinapik niya sa balikat ang lalaki nang makita ang twenty-four-seven store sa hindi kanto.

"Dyan, itigil mo dyan sa gilid." sumunod naman si Rigel sa kanya. Nang maitigil ng lalaki ang kotse nito sa gilid ng kalsada, agad siyang bumaba sa sasakyan nito at diretsong pumasok sa loob ng store. Nakasunod lang naman sa kanya si Rigel.

"Libre mo ito ha? Wala akong dalang pera." ani niya sa lalaki. Tumango lang naman ito kaya mas lalo siya napangisi. Kumuha siya ng half-long, tig-isa sila ni Rigel. At hindi pa siya nahiya, pinahawak pa niya iyon sa lalaki habang kumuhuha siya ng slurpee.

Nang madala niya iyon sa counter, kumuha naman si Rigel ng bottled water saka iyon binayaran. Gusto niyang matawa nang mapansin na nagtatakang tumingin sa kanila, lalong-lao na sa mga damit nila ang cashier guy sa store.

Niyaya niya ang lalaki sa labas maupo para kumain. Malamig kasi ang simoy ng panggabing hangin. Wala rin gaanong tao sa paligid.

Nang makaupo sila, agad niyang nilantakan ang half-long niya matapos iyon lagyan ng ketchup at mustard. "Hmm! Ang sarap talaga!"

She heard Rigel chuckled while looking at her. "Anong tinatawa-tawa mo dyan?" maangas na tanong niya dito.

"Nothing. You're just, you know? So unique. Kung ibang babae lang siguro, mas gugustuhin na kumain sa mga high class restaurant but you? Dito ka pa talaga sa 24/7 store nagyayang kumain."

"Sus, hindi naman kasi nakakabusog iyong ibang pagkain sa ibang high class rrestaurant na sinasabi mo. Naalala ko nga eh, noong graduation ko noong college, doon nagyayang kumain si Papsi ko bilang blowout, naku, noong isinerve sa amin yung pagkain, wala pa ata sa one fourth maliit na mangkok yung laman ng isang plato. Sagana lang sa plating!"

They are both laughing because of her story. Hindi niya talaga malilimutan ang experience nila ng Papsi niya noon. "Kaya nga simula noon, sa mga fastfood chain o kaya sa karinderya na alng kami kumakain ng Papsi ko kapag may okasyon. Sayang lang ang pera namin sa ganoon!"

"Hindi naman lahat ng high class restaurant ganoon ang serving."

"Oo nga. Pero basta. Parang nadala na kami ng Papsi ko. Atsaka, mas nakakabusog naman yung ganito. Mura pa." nilagyan niya ng straw ang slurpee nila at inilapit ang isa para dito.

"Yeah right."

"Ikaw? Share ka naman ng nakakatawang karanasan mo kasama ang family mo. Pati parents mo." napansin niya na napalis ang ngiti sa labi ng lalaki.

"Ulila na kami ng mga kapatid ko sa magulang. My both parents died because of ambush noong bata pa lang ako. Someone killed them."

Siya naman ang natigilan. "I'm sorry." nag-angat naman ito ng tingin sa kanya, pilit itong ngumiti.

"Ayos lang. Matagal na naman nangyari iyon, naparusahan na ng batas ang mga gumawa noon sa mga magulang ko." he paused. "Alam mo ba na dating pulitiko rin ang dad ko? He's also a mayor when he still alive."

NefariousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon