4

40.9K 1.3K 171
                                    

"HAY kapagod." Gamit ang towel na dala, pinunasan ni Solar ang pawis na namumuo sa mukha at leeg niya. Hinihingal na umupo siya sa bench sa gilid ng basketball court kung saan sila naglalaro ng mga kasamahan niya sa carwash shop.

"Solar." napatingin si Solar sa gilid niya, nakita niya si Rigel na may hawak na malamig na bottled water, iniabot nito iyon sa kanya. At dahil sobrang nauuhaw na siya, tinanggap niya ang tubig na iniaabot nito.

"Salamat. Pero sana, ice tubig na lang ang binili mo." ani niya. Tumabi naman ang lalaki sa kanya. Tulad niya, pawisan din si Rigel. Sumali rin kasi ito sa kanila noong mag basketball sila.

"Nga pala, ang galing ng play mo kanina ha? Natalo natin yung grupo nila kuya Emil." Puri niya pa sa lalaki. Hindi niya akalain na ang lalaking may puso ng babae na tulad nito ay parang professional basketball player kung maglaro. Pwedeng pang-NBA sa galing.

"It was nothing, Solar. By the way, are you hungry? may restaurant ba na malapit dito? O gusto mo magpadeliver na lang tayo?"

Muntik pa siyang masamid sa sinabi nito. Seryoso ba ito? Kailangan sa restaurant pa talaga kumain? Napailing tuloy siya, iba talaga ang mayayayaman. "Halika nga." hinila niya si Rigel sa braso.

"Halikan? You mean you want me to kiss you?" inambaan niya ito ng suntok.

"Gago, di tayo talo. Ibig kong sabihin, sumunod ka sa akin." Anak ng tokwa, no offense pero isipin pa lang niya na hahalikan siya ng isang silahis, kinikilabutan na siya. Kakamot kamot naman sa batok na sumunod na lang sa kanya si Rigel.

Mukhang ayos lang din sa lalaki na murahin niya ito, o hindi lang talaga nito napansin na tinawag niya itong gago? Ah, basta. Kasalanan nito, nakipagkaibigan ito sa kanya eh.

Huminto sila sa kabilang gilid ng kalsada kung saan may nagtitinda ng mga street foods. Lumapit siya sa matandang lalaki na nagtitinda ng mga fishball. Kumuha siya ng stick at baso saka nagsimulang tumuhog. "Manong, ito hong kasama ko ang magbabayad ha?" nakangiting saad niya sa matanda.

Binalingan niya si Rigel sa tabi niya. "Oh ikaw? Tuhog na. Libre mo ako ha? Pati itong palamig." Kapal ng mukha niya diba? Bakit ba? Eh friends na naman sila nito, atsaka, sigurado naman siyang marami itong pera.

Lihim siyang napahagikgik sa isip. Nang mapuno ang baso nila ng fishball, kikiam at kwek-kwek, nilagyan niya iyon ng sauce bago niya kinuha ang palamig nila. "Bayaran mo na, doon tayo maupo habang kumakain sa bench." sabi niya kay Rigel.

Inilabas naman ni Rigel ang wallet nito at humugot ng isanglibo bago iyon iniabot sa matandang tindero. "Boss, wala ho akong barya dito. " sabi ng matanda.

"Keep the change na lang ho, manong." Nang muli silang makaupo sa bench, nagpatuloy sila sa pagkain ng fishball.

"Galante ka pala ha?" pagbubukas niya ng usapan nila. Siguro sa mga boylet nito, mas galante rin ang lalaki.

"It is because of you." sagot nito. Napamaang tuloy siya.

"Ha?"

"Nevermind. How about you? your Papsi said na college graduate ka pala, I mean, bakit mo napiling magtrabaho sa carwash shop kesa sa magagandang companies?" pinaningkitan niya ito ng mga mata.

Ang vaklang itwo! Napaka tsismoso! "Sinabi ng Papsi ko iyon sayo?" nag-iwas naman ito ng tingin bago marahas na napalunok.

"Y-yes? I think wala namang problema, we're friends now, right?" Hmp, sabagay. May punto naman ito atsaka bet niya rin itong kaibigan, kasi galante!

Isinubo niya ang fishball na nasa stick niya saka niya ito sinagot. "Matanda na kasi ang Papsi ko, nag-iisa lang niya akong anak kaya tinulungan ko na lang siyang mag manage ng business namin. Si Papsi ang sa flowershop ng Mamsi ko habang ako naman sa carwash shop. Nag-iipon nga rin kami ng pambayad para doon sa lote na kinatitirikan ng flowershop at flower farm namin."

NefariousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon