Chapter 10

28.1K 879 49
                                    


"Masarap ba yung sopas?" I asked him while were both walking inside the Delavine's Building.

Simula kasi ng napagusapan naming tutulungan niya nalang akong maghanap ng camera na kagaya nung kanya, lagi na kaming sabay pumasok at umuwi.

"Lahat naman ng niluluto mo masarap, salamat nakakatipid ako dahil sayo hahaha" he said and we both enter the elevator.

"Sabi ko naman kasi sayo mabait akong kaibigan" I joked and he laughs.

The elevator was about to close its door when someone stops it and as it opens again my eyes widened, it's Lana. Patay hindi ko pa nakwenkwento sa kanya ang tungkol kay Oli.

"Oh, hi Aberry!" makahulugan niyang pagbati at tumabi sa'kin.

"H-Hi," I said, when she's already beside me and the elevator door closed, I felt her hard finch on my arms.

I bite my lower lips to control the pain, "Good morning Mr. Beltran" she greeted Oli too.

Oli just smile and nodded at her, and she glared at me. Nagpatuloy ang pagkurot niya sakin hanggang sa makarating kami sa floor ng office.

Naunang lumabas si Oli, kaya ng mapansin niyang hindi pa ako sumusunod lumingon siya at tinignan ako, "Ah, ano nakalimutan kong bumili ng kape namin ni Sienna sa baba," I said.

"Samahan na kit-----"

Hindi ko siya pinatapos at, "Hindi na ako nalang sige kita nalang tayo mamaya bye" I smile and hurriedly push the close button of the elevator.

Pagkasarang pagkasara ng pinto ay hinila ni Lana ang buhok ko ng konti at hinarap ako. "Ano 'yon ah?! Si Beltran? Kailan pa kayo naging close? Kaya ba hindi ka pumayag pumunta ng bar nong sabado dahil dito?" dirediretso niyang tanong kaya hindi agad ako nakasagot at napaatras ng konti.

"Wala,Oo,bago lang,hindi naman ganon iyon" I said.

"Ano?" she asks.

"Sinagot ko lang yong tanong mo ng sunod sunod din" sagot ko habang kinukuha ang ginagawa kong macaroons para sakanya.

"Wala? Oo? Bago lang, hindi naman sa ganon? "She whispers while remembering all her questions.

"Ginawan kita ng macaroons oh," I said and handed it to her.

"Anong meron sa inyo?" she asks and grabs the macaroons.

"Ganito kasi yan, nong nakaraan pa nakasabay ko siyang umuwi akala ko sinusundan niya ako hanggang sa unit kaya kinompronta ko siya at sinipa sa mukha pero nalaman kong nakatira din pala siya sa unit na tinitirhan ko, halos dalawang pinto lang ang layo sakin.. nakonsensya ako sa ginawa ko at nahiya kaya nilutuan ko siya ng castella yong binigay ko din sayo" she nodded and keep on listening.

"Tapos sinubukan kong iabot nong umagang iyon pero sobra yong hiya ko kaya pinagpaliban ko tapos hanggang sa umuwi na siya at doon ko nalang napagplanuhang iabot dahil hinabol ko siya pauwi non' tapos....."

"Tapos ano?" she asks.

"Tapos binuksan ko yung pinto ng unit niya ng hindi kumakatok, naabutan ko siyang nakahalf naked kaya iyon napagalitan niya ako pero tinanggap niya na peace offering ko kaso ako bilang isang tinaguriang tanga pumasok naman ako sa kwarto niya ng walang paalam" napayuko ako ng sabihin ko iyon at nakatanggap ako ng malakas na hampas mula kay Lana.

"Gaga ka! Bakit mo ginawa 'yon?" sigaw niya habang umuusok ang ilong sa galit, napahimas nalang ako sa parteng hinampas niya.

"Ano kasi nakita ko yong camera na matagal ko nang hinahanap yong hindi nabili ni papa nong first year tayo dahil nagkasakit ako non', gusto ko sanang bilhin sa kanya pero hindi siya pumayag kaya kinulit ko siya at nilutuan ng kung ano-ano para mapapayag pero wala ayaw niya talaga, pero sinabi niya natutulungan niya nalang akong maghanap ng ganon kaya friends na kami ngayon" I smile at her, she calms herself.

Faded Accounts (Law of Attraction Series # 1) (PUBLISH UNDER IMMAC PUBLISHING)Where stories live. Discover now