Chapter 18

23K 697 34
                                    



I was still spacing out by the realizations I got after what happen when the door suddenly opens, na naging dahilan ng pagtumba ko sa sahig.

"Aray!" I haze and saw Alliana with Lana on her side, nakaalalay siya dito habang ito ay halos lumuhod na sa paghakbang papasok ng unit ko.

"Sorry andyan ka na pala," Alliana said.

"Anong nangyari d'yan?" I ask and help her carry Lana to the nearest sofa.

"Nawala tapos biglang bumalik, umiiyak tapos nagpakalasing ng sobra hindi kita mahanap sa party kaya dinala ko na siya dito, andito ka na pala" Alliana said and grab some distilled water from the fridge.

"Hoy Lana, kaya pa ba?" mahina kong tinapik tapik ang pisngi ni Lana habang inabot sakin ni Ali ang tubig para ipainom kay Lana.

"Buti nalang hindi kami na disgrasya pauwi dito dahil sa kabaliwan ng babaeng 'yan" Ali said and started to undress herself at the side.

Ako naman ay dahan-dahang pinainom ng tubig ang lasing na si Lana, natapon pa ang konting tubig dahil sa likot niya. "Ano bang nangyari sayong babae ka!!!" I whisper and tie her hair up para hindi ito makapagdulot ng pagka irita sa kanya.

"Hmm," Lana groans and scratches her neck, at dahil mahaba ang kuko niya agad namula ito. "Hoy, wag mo ngang gawin yan!! Tara na magpalit ka na at matulog sa kwarto!!!!" I nag at her and bring her inside of my room with the help of Ali.

"Sige na Ali, ako na magpapalit sa kanya magpahinga ka na," sambit ko at ngintian siya.

Tumango lang si Alliana at nagsimulang maglakad paalis ng kwarto ko, nang marealize ko na kailangan ko pala ng kausap ngayon.

"Ay wait! Pwede ba muna tayong mag-usap Ali?" She nodded as well and seat beside me at the edge of the bed while I'm busy undressing Lana.

"Ano kasi may gusto lang akong i-share," I said and throw Lana's heels somewhere.

"Ano iyon?" tanong niya at tinulungan akong tanggalin ang mga suot na accessories ni Lana.

"Sila mama at papa kasi..." I feel the sadness, trying to open this up to her but I think I need this.

She stared at me like she's waiting for what will I say next, "Maghihiwalay na sila," I casually said and smile at her.

Bakas sa mukha niya ang pagkagulat pero pinanatili niyang kalmado, at inabot ang aking kamay. "Ok ka lang ba?" she asks.

I smile "Ok naman na siguro, nong una kasi hindi ko matanggap pero nong tumagal na medyo nasasanay na lang ako sa sakit, wala naman akong magagawa kung ayaw na nila sa isa't-isa."

"Andito lang ako, hindi kita iiwan" she said and hugged me, "May dahilan si Lord kung bakit nangyayari ito, pagsubok man ito alam kong kaya mo itong harapin." She said with her cheerful tone.

Nginitian ko siya at pinunasan ang patakas na luha mula saking mga mata, "Oo naman ako pa ba!" I said. Ayaw ko naring lunudin ang sarili ko sa lungkot lalo na ngayong may mga taong handa akong pasayahin sa panahanong kailagan ko.

Alliana and Lana's presence here beside me was enough to make me feel happy and secure right now.

"Meron pa akong gustong sabihin Ali" I said, "Sige ano pa 'yon?" she asks.

"Kanina may ginawa kasi ako...." Hindi ko alam kung kay ako bang iopen up ito, pakiramdam ko nag iinit ang aking mga pisngi ngayon.

"Oh, namumula ka!!! May lagnat ka ba patingin nga," agad akong nilapitan ni Alliana at hinipo ang aking noo at leeg.

"Hindi ka naman mainit? Baka lagnat sa loob ya------" I cut her out and say, "I kiss Oliver a while ago!" natigilan siya sa pagpunas kay Lana at pinanlakihan ako ng mata.

"Anong sabi mo?!!!" she asks with a high tone of her voice.

Napapikit ako at napayuko dahil alam kong mapapagalitan ako,"Aberry Jade ulitin mo nga ang sinabi mo?" she ask.

"She said she kiss Beltran" napatingin kami may Lana ng bigla siyang magsalita at unti-unting minulat ang kanyang mga mata.

"Gising ka?" I ask.

"Yeah, lasing ako pero hindi ako bingi gurl!" she said and go back to sleep. "Really Lana?!" hindi makapaniwala kong sambit ng magsimula na itong huminga ng malalim.

"Jade ginawa mo iyon? Bakit?" Alliana continue asking.

Hindi ko din alam kung bakit ko ng aba ginawa iyon, "Hindi ko alam basta ang bilis ng pangyayari, naguusap kami then boom I kiss him" naguguluhan kong sambit.

"Sinabi niya bang gawin mo 'yon? Pinilit ka ba niya?!" nag-aalalang tanong niya, bigla akong kinain ng matinding kahihiyan sa pinilit na word, ako ang nag-initiate ng kiss.

I avoided her gaze and she immediately facepalmed, "Anong kagagahan 'yon Jade?" she asks.

"Hindi ko alam, siguro nagising yong kalandian spirits ko tapos siya nagsabi na halikan ko si Oli" I said that make her glared at me. "Wag mo nga akong idaan dyan sa kalokohan mo, gusto mo ba yong tao?" seryoso niyang tanong.

I sigh, "Yon na nga eh, kaninang kiniss ko siya, doon ko lang narealize na gusto ko siya at kahit anong pilit kong isipin na magkaibigan kami, mas lalo lang akong nahuhulog tuwing naiisip ko ang mga ginawa niyang kabutihan sakin, his so sweet and natural, sino ba namang hindi mahuhulog sakanya?!?" that's it, lumabas na rin ang katotohanan na matagal ko nang pinipigilan.

"Nung unang kita at encounter ko palang sa kanya alam kong may something na eh, pero hindi ko pinansin meron akong something sa loob ko na parang gusto ko siyang makilala kaya kahit anong pagtanggi niyang ibenta sakin yong Cam kinulit ko parin siya at kinilala pa lalo. Pero Ali hindi ko naman inaasahan na magiging malalim ang pagkakaibigan namin at makilala ko siya ng sobra, siya yong ideal type of guy ko eh"

"So, nakipagkaibigan ka sa kanya dahil gusto mo siya?" Alliana ask.

"Siguro oo pero hindi ko pa alam na ganon nga iyon dati, pero ngayon talaga, ito oh" I pointed my chest where my heart is located. "Ang bilis ng tibok oh!!"

She takes a deep breath and put Lana's shirt in, "Anong balak mong gawin ngayon?" tanong niya habang busy sa pag-aayos kay Lana.

"Aminin ko ba sa kanya na gusto ko siya?" tanong ko.

"Oo, hinalikan mo na pala yong tao wala nang dahilan para mahiya ka pang aminin na gusto mo siya" hindi ko alam kung may irita ba sa boses ni Ali o sadyang ganon na talaga siya magsalita.

Pero may punto siya, I kissed him already and he kissed me beck hindi ba't wala na ngang dahilan para mahiya akong umamin sa kanya? Tyaka wala naman nang masama kung ako ang maunang umamin, I believe in gender equality at tyaka pag gusto mo aminin mo.


"Aamin ako sa kanya bukas" pursigido kong sambit.

Ali glance at me and cover Lana with the comforter and said, "Goodluck"

Nakangiti akong humiga sa tabi ni Lana, habang umalis na si Ali sa kwarto ko at tumuloy sa kwarto niya, I stare at the ceiling and can't control my smile, kasabay ng pagmumuni-muni ko ay ang pag-iisip ko ng paraan kung paano ako aamin sa kanya bukas.

He kissed me back, napahawak ako sa aking labi at hindi maiwasang ngumiti muli.

"Oliver, I like you," I whisper and close my eyes.


Faded Accounts (Law of Attraction Series # 1) (PUBLISH UNDER IMMAC PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon