Chapter 2: Mystery Texter

50 5 4
                                    

LILY

I WOKE up with a frown on my face. Ang weird ng panaginip ko. Napanaginipan ko lang naman si Claide. Yes yung bagong transfer samin! Ihhhhh hindi ko naman sya iniisip eh, pero bakit ko sya napanahinipan. Well none of my business.

Bumagon na ako at pumasok na sa banyo para maligo. Tapos ay isinuot ko na ang uniform ko qt bumaba na ako ng kwarto ko.

Kaagad na bumugad sa akin ang pugtong mata ng Mama ko.

"Anong nangyari sayo ma?"

"Ang tatay mo kasi pinaalis yung tao dito kagabi."

My worried face started to fade, insted I gave a neutral look.

"Aalis nako Ma." I said emotionless

"Hindi kaba kakain?"

"Hindi na ma, busog pako." I lied. Actually gutom na gutom nako pero dahil sa binungad nya, nawalan ako ng gana. Its always like this, tuwing gabi may bisita si mama tapos paaalisin ni papa. Malay ko sa kanila, bahala sila.

Habang nag lalakad ako papunta sa school, I saw someone watching me from far away. Hmm, I don't care kung sino ka, basta ang alam ko, malelate nako!

Kaya nag dali dali na akong sumakay sa tricycle at ibinigay ang bayad ko.

Oh shit, 10 minutes nalang late nako. Anong gagawin ko?

"Manong, pwede pong pakibilisan? Malelate na po kasi ako eh."

"Naku neng, may nasiraan daw kasi dun sa may kanto kaya nag traffic."

Ayyy, bad trip naman oh.

"Manong baba na po ako. Lalakarin ko nalang po."

"Ha? Neng malayo kapa sa eskwelahan nyo."

"Pero malelate po ako kapag hinintay kong umusad to, at saka may alam po akong shortcut."

"Ay sya sige na nga ineng, o mag iingat ka."

"Sige po, salamat po."

Habang nag lalakad ako dun sa shortcut kong sinabi, may bigla nalang dumaan na kotse sa tabi ko.

"Hop on."

"Who are- Claide?"

"The one and only. Get in, I'll give you a lift."

Hindi na ako nag dalawang isip pa at sumakay na ako. Saka ko na paiiralin pride ko kapag hindi nako malelate.

"I thought you will snob me again. Looks like I thought wrong." And then he chuckled.

"Pwede paki bilisan? Malalate nako sa unang klase ko."

"Hindi ba parehas naman tayo ng mga subject? That means if you're late, I'm late. Its a quits."

"I'm a scholar. Academic Scholar. Tapos natulong din ako sa library namin- natin to be exact para hindi na ako mahirapan sa mga bayarin dito sa school kaya please lang pakibilisan po."

"I'm not manong. Don't use po while talking to me."

Ay pota kailan ba to titigil sa pag eenglish?

"Please drive faster."

He chuckled. "Sudden change of emotions? You may use tagalof if you want."

Yeah yeah yeah. Bahala ka. Sa halip na sumagot ako tumingin nalang ako sa labas ng bintana.

The Psychometric's Girl ( Mind Series #1 )Where stories live. Discover now