4.0

21 1 0
                                    

SHADDEN...

The next day ay maagang nagising si Shadden. The very right word ay hindi talaga sya nakatulog ng maayos kaya maaga syang nagising. Tuwing pipikit kase ang mata nya ay nag rereplay sa isip nya kung paano tumama ang nuo ni Celeste sa kanto ng lamesa nya. And that disturbed him the whole night.

Kaya nga nang tingnan nya sa sasalamin ang sarili kanina ay may nakita syang mga eye bags na naglalambitin sa baba ng mga mata nya. He look like shit and stressed up. Kahit ang sarili nya ay hindi nya maintindihan kung bakit tila ganun nalang ang nangyari sa kanya.

Hindi sya dapat nababagabag ng ganun kalala dahil sa nangyari. He barely know Celeste at kung hindi pa sya nito pinasok ng babae sa Cr two days ago ay hindi nya ito makikilala. But damn, parang tattoo nang nakaimprinta sa utak nya ang itsura at pangalan ng dalaga.

Hindi alam ni Shadden to himself kung guilt pa nga ba ang talagang nararamdaman nya sa mga oras nayun. It's not his fault entirely kase aksedente ang nangyari, but he felt as if na buhat nya pati ang problema ng mundo dahil lang nabangasan nya si Celeste. Duon sya naiistress.

Wala sa sariling malakas napabuntong hininga si Shadden. Hindi talaga sya mapalagay. Parang gusto nyang puntahan agad si Celeste para kausapin ito ng matino at para makahingi sya ng tawad dito. Feeling kase ni Shadden ay hindi sya kailan man mababalik sa wisyo at mapapalagay pag hindi sya humingi ng tawad kay Celeste.

Hell, Shadden was even willing to take her to dinner para lamang pagaanin ang sariling dibdib. Gusto nyang bumawi kay Celeste dahil sa nagawa nya, kahit na alam nilang dalawa na walang dapat sisihin dahil parehas nila iyung kasalanan out of their childishness.

Celeste is childish totoo iyun bat mas childish si Shadden dahil nagawa nya itong sabayan at patulan. Iyun ang mga pinag sisisihan ng binata, but then nakakakulo talaga ng dugo si Celeste. At talagang hindi nya rin ginusto ang nangyari dito.

Ay nako ewan ba nya. Malapit na ata syang mabaliw. Kailangan na talaga nyang makausap ang dalaga. Iyun ang tumatakbo sa utak ni Shadden. Nasa harap ulit sya ng hapag kainan for breakfast at naruruon din ang mga magulang nya na nakita lahat ang pagkastress ng anak nila as if na mauubusan na ito ng bait ano mang oras.

Nag katinginan ang mag asawang Selveron. They are worried about their son. Naguguluhan sila sa inaakto ng anak nila dahil ilang araw nang tila stress ito. But they know na hindi na iyun about sa bodyguard na inasign nila na mag bantay kay Shadden.

And Prizelia, Shadden's mother. Gone to her own thoughts again. Nag iisip ng mga bagay na maaring makabagabag ng ganito sa anak nya. But then naalala nya ang kaganapan kahapong umaga dito rin sa hapagkainan nila. Saglit syang napatingin sa anak at inobserbahan ito. She was right. Talaga ngang babae ang problema ng anak nya. Ganitong ganito ang inaakto ng anak nya pag may pinapag awayan sila ng girlfriend nito dati.

Prizelia pursed her lips. Ayaw nang alalahanin ang unang babaeng nag mahal sa anak nya pero nagawa parin nitong iiwan si Shadden ng walang pasabi. Hindi nalang ito nag paramdam isang araw kaya heto ang anak nya tila naging virus ang tingin sa mga babae at ayaw man lang lumapit sa mga ito, liban na lang sa kanya.

"Shadden—"

"Mom—"

Sabay na tawag ni Prizelia at ni Shadden sa isat isa. Shadden look to her mother. Pinapauna ito sa kung ano man ang sasabihin sana nito sa kanya. Si Ithan, Shadden's father ay tahimik lang naman na nag kakape sa tabi ni Prizelia pero nakikinig ito sa pag uusap ng mag ina nya.

Nahihinuha narin ni Ithan na babae nga ang problema ng anak nila. Nakikita nya rito ang sarili nya nuong mga panahong nililigawan palang nya ang asawa. His trouble maker wife, na kung hindi pa nya itinakas sa mismong kasal nito ay hindi mapapasakanya si Prezilia.

Symphony Of The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon