9.0 | Nightmare

12 0 0
                                    

CELESTE...

Nakikita ni si Celeste na may nag lalakad palapit sa kanya, pero dahil madilim ay hindi nya iyun mamukhaan. Nanakit din ang buong katawan nya. Kahit ang kanyang mata ay malabo at tila hindi maibuka ng maayos...

Sa huling natatandaan nya ay nag lalaro sya sa kusina ng bahay nila, ang mama naman nya ay asa kusina at nag luluto, ang nag iisa naman nyang ate ay asa pag pasok at hapon pa umuuwi.

Katanghaliang tapat iyun ng may mga lalaking nakaitim ang pumasok sa kanilang bahay. Dahil bukas ang pinto ay walang nakamalay na nakapasok ang mga ito hanggang sa sala at sya, si Celeste ang unang nadatnat ng mga ito.

Sa pag kakatanda pa ni Celeste ay agad syang nilapitan ng isang lalaki, at nang matakot ay sinubukang tumakbo sa mga ito subalit para syang manika na hiniklas ng lalaking lumapit sa kanya.

Nakaramdam sya ng takot at nag pumiglas sa hawak ng lalaki pero sinampal sya nito. Duon ay halos mabingi at matanggal ang ulo ni Celeste sa sakit. Ang mukha nya ay tila nalapnus at namumula dahil sa isang sampal lang.

Imalingawngaw sa buong sala ang tunog ng pag sampal sa kanya ng lalaki, ang kasunod nun ay maikling katahimikan dahil sa mga sumunod na segondo ay pumalatak ng sigaw at iyak si Celete.

Ang ina naman ni Celeste na narig ang pag iyak ng bunso nyang anak ay dali daling napatakbo sa kusina, para lang mabungaran ang mga lalaking naka itim na sinasaktan ang pitong taong gulang nyang anak.

Asa ilalim ito ng mesa umiiyak. Mapula ang mukha, nay pasa sa kabilang mata at dumudugo ang labi. Marami rin itong gasgas sa katawan. Duon din natunghayam ng ina ni Celeste kung gaano kagulo ang sala. May kalayuan ang kusina nila at asa may likod iyun ng bahay dahil nakatungkuan sila. Hindi ganuon naririnig ang mga ingay na nangyayari sa loob ng bahay.

Halos mahabag ang anyo ng ina ni Celeste sa bunsong anak. Ang puso ay pinipiga sa kalagayan ng anak.

"Mga hayop! Anong ginawa nyo sa anak ko!" Sigaw ng ina ni Celeste. Si Celeste naman na umiiyak ay napatingin sa kanyang ina.

"Mama... Mama!" Iyak ni Celeste. Nakatago parin sa ilalim ng lamesa.

Sinibukan syang lapitan nito pero hinarang ng mga lalaking naka itim ang ina nya.

"Cera Velchour. Naniningil na kami." Anas ng isang lalaki. Hindi nauunawaan ni si Celeste ang tinutukoy nito, pero ang gusto nya lang ay makapunta sa ina nya.

"M-mag babayad ako... Sabihin nyo sa Kay Don Eronzo na mag babayad ako... Pero hindi pa sapat ang hawak kong pera, bigyan nya kami ng konteng panahon!" Rinig ni Celeste na sabi ng Ina nya. Nag mamakaawa, pero ang tingin ay asa kanya, tila gusto syang abutin.

"Hindi na makakapag ang Don. Gusto nyang buohin mo ang bayad ngayon. Kung hindi. Anak mo ang kukunin nya." Sagot ng isa sa mga lalaki sa ina ni Celeste.

"Hindi! Bitawan nyo ako! Akin na ang anak ko!" Pag wawala ng ina ni Celeste, pilit na lumalapit sa kanya.

"Ilayo ang bata." Anas pa ng isa. Duon ay may kumaha kay Celeste na patuloy paring umiiyak sa ilalim ng lamesa.

Sinubukan pa ni Celeste na gumapang palayo subalit nahawakan ng lalaking kukuha sa kanya ang paa nya. Hinila sya nito at sinipa ng malakas kaya naman tumama ang bata nyang katawan sa pader upang bigyan sya ng leksyon.

Napaubo si Celeste ng dugo sa nangyari. Sa bigat ng mga pwersa ng mga lalaking nakaitim ay mabilis na nabogbog ang bata nyang katawan.

Muling lumapit kay Celeste ang lalaking sumipa sa kanya at walang pag iingat syang binuhat. Hawak sya sa buhok at pilit na kinakaladkad papunta sa ibang bahagi ng bahay.

Symphony Of The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon