7.0

19 0 0
                                    

SHADDEN...

"Hays nakalabas narin sa wakas! Muntik na ako mag ka ugat sa loob eh" Celeste dramatically said ng tuluyan na silang makalabas ng prisintong kinaruruonan nila. Shadden on the other side almost rolled his eyes off her. Hindi ito makapaniwala sa komento ng dalaga sa mantalang halos wala naman itong naitulong liban sa katigasan ng ulo at pag papasaway sa loob.

Shadden sighed.

"Pwede ba Celeste for once ay isara mo ang bibig mo? And besides sino bang nag sabi sayo na sumama ka pa sa amin sa loob at hintayin kami? You could have just left earlier as to your liking, hindi iyung mag hihinaing ka jan" Shadden remarked in annoyance.  Inikutan lang naman sya ng mata ni Celeste. Si Qiro at ang bodyguard naman nya ay nauna na sa sasakyan na umiiling parehas sa walang katapusang pag babangayan nila.

"Grabe ka naman! Hindi pa naman ganun kakapal ang mukha ko noh. Ang presensya ko nalang nga ang ambag ko sa kasong ito eh. And besides ako kaya ang ipinunta ng mga lalaki nayun, malamang sa malamang na masisiyahan ako na panuurin silang makulong. Ang mga animal nayun hmp!" Pangangatwiran ni Celeste. Tila ba na proud na proud pa ito sa ipinunto kahit wala naman iyung katuturan at puro kalukohan lang nito. Napailing si Shadden.

"Puro ka kase kalukohan kaya kung sino sino na ang mga tao gutsong pumatay at saktan ka. Alam mo this days ay I wouldn't be surprised if one morning ay pinapag lamayan ka na" Shadden hissed. Muli ay nauubusan na naman ng pasensya kay Celeste ng walang dahilan.

"Che! Apaka advance mo talaga. Patay ka agad ng patay jan! Feeling ko tuloy ay mas gusto mo talagang mamatay nalang ako. Hay nako pisti ka talaga" Naiinis na hasik ni Celeste pabalik kay Shadden. At home na at home naman itong sumakay sa sasakyan nila Shadden na para bang sya ang nag mamay ari nun.

"Pero ang cool mo run kanina kahit ayaw ko aminin yun. Talagang ang cool mo kanina. Akalain mo ba namang gusto mo pa sila ipakulong ng panghabang buhay kung may sapat lang sana tayong ebensya! Hay nako, mayayaman nga naman. Mapapasana all nalang talaga ako" Maya maya pa ay turan ni Celeste. Umuusog sa kabilang side ng sasakyan upang bigyan sya ng space sa loob ng kotse.

Saglit namang natigilan si Shadden dahil sa sinabi ng dalaga na iyun sa kanya. He suddenly felt being thrown in the air dahil tinawag syang cool ni Celeste. Actually ay yun lang ang naintindihan nya sa mga sinabi ng dalaga. May kung anong mga bagay tuloy ang nag wala sa loob ng tyan nya. Tila nagtatakbo rin ng kilo kilometro ang puso nya dahil sa subrang bilis ng tibok nuon.

And damn, his whole system know how good it felt dahil lang sa tinawag sya ni Celeste ng cool. Sa buong buhay nya ay tila sa mga oras lang sya nayun nasiyahan dahil mayaman sya and can do such things. Marami na ang nag complement sa kanya but si Celeste lang ang may ganitong epekto sa kanya, kaya tila pati sya ay nasurpresa duon. Shadden even felt himself blushing and fuck he never blushed before. Ito ang unang pag kakataon.

Shadden don't know what to actually do. Basta hindi nya mapigilan ang pag sulyap ng ngiti sa labi nya. Kahit anong supil nya dun ay lumalabas parin ang ngiti nyang iyun, and Qiro and his bodyguard saw that kaya nag katinginan ang dalawa knowingly. Alam na alam nila ang tumatakbo sa isip ni Shadden.

Shadden Tylor Selveron finally find his much on Celeste and it's indeed going to be interesting.

Wala sa sariling tuluyan nang sumakay si Shadden sa loob ng sasakyan. Pinipilit parin na kalmahin ang sistema nya. Agad agaran narin naman silang umalis sa lugar na iyun with the help of Qiro na syang nag mamaneho. Hindi na naman muli nakapag sali si Shadden for he was already too engrossed in his thoughts for that moment, but this time ay inisang tabi nya na muna ang naging epekto sa kanya ni Celeste dahil may mga bagay pa syang dapat unahin.

Symphony Of The PastWo Geschichten leben. Entdecke jetzt